Zamboanga (1937)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Zamboanga ay isa sa mga natatanging pelikulang na idinerehe ni Eduardo de Castro noong 1937. Ito ay prinodyus nina Eddie Tait at George Harris ng Filippine Films para sa internasyonal na pagpapalabas. Itinuturing ito bilang halimbawa ng kolaborasyong Pilipino-Amerikano dahil banyaga ang namumuhan at ginamit na teknolohiya sa pelikula at katutubo ang mga nasa produksiyon at mga nagsipagganap. Maging si de Castro, na ang tunay na pangalan ay Marvin Gardner, ay isang mestisong Pilipino-Amerikano.

Ang mga nagsipagganap na aktor sa pelikula ay mga tinitingalang bituin sa pinalakang-tabing sa mga panahong iyon na suna Fernando Poe Sr. at Rosa del Rosario. Tausug ang ginamit na wika sa pelikula.

Sanggunian

Nick de Ocampo. “‘Lost’ RP film found in US archive.” NCCA, 23 Pebrero 2004. https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/lost-rp-film-found-in-us-archive/. Accessed 24 Abril 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.