Yabing Masalon Dulo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Yabing Masalon Dulo ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya sa paghahabi at pagtitina ng tradisyunal na ikat ng mga Blaan sa Mindanao. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2016.

Talambuhay

Tubong Polomolok, South Cotabato, ipinanganak si Fu Yabing noong ika-8 ng Agosto, 1914. Kilala siya sa paghahabi at pagtitina ng tradisyunal na mabal tabih ng mga Blaan. Bago siya mamatay, isa siya sa dalawang bihasa sa sining ng mabal tabih sa Mindanao.

Unang natutong maghabi si Fu Yabing sa edad na 14. Dalawa sa kaniyang mga gawa ang itinuturing na obra maestra, at ang isa sa kaniyang mga obra ay matatagpuan sa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Para maipagpatuloy ang sining ng mabil tabih, tinuruan niya ang kaniyang anak na si Lamina Dulo Gulili at ang iba pang kababaihan sa kaniyang komunidad. Kinalaunan ay tinawag siyang "Fu", na tanda ng paggalang sa grupong Blaan.

Tumigil siya sa paghahabi noong 2018 matapos ang isang aksidente sa motorsiklo. Namatay siya habang natutulog noong ika-16 ng Enero, 2021 sa edad na 106.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.