Wow Dabaw

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Davao skyline

Isa ang “Wow Dabaw” sa mga programang naglalayong iangat ang turismo ng rehiyon ng Davao. Nais ng pagdiriwang na ito na ipakilala ang Davao hindi lamang dahil sa masagana nitong ani ng prutas na durian kundi bilang isa sa pinaka-nakakahalinang pook pasyalan, pagnegosyo, at sentro ng kaunlaran.

Layunin

Binuo ang Wow Dabaw upang ipakita ang rehiyon ng Davao sa mga dayuhang turista. Dagdag pa rito, ay upang ilantad ang mas malawak na base ng medya, at maitaguyod ang mga kpistahan, destinasyon, magagandang tanawin, pagkain, sining at produkto.. Panghuli ay upang ipalaganapl ang mga Wow Dabaw Tour Package.

Wow Dabaw Package

  • Wild Over Waling-waling (Flower Farm Tour)

Sa pamamasyal na ito sa maraming taniman ng mga bulaklak ay makikita ang iba't ibang naggagandahang bulaklak na sa Davao lamang matatagpuan. Ito ay ang Waling-waling (Vanda Sanderiana) at iba pang mga binhi nito tulad ng Vanda Straps, Vanda Sanderiana, Mokara, at Phalaenopsis.

  • Wacko Over Wildlife (Country Tour)
  • Whetting Our Whims (Delicacy Tour)

Matitikman dito ang iba’t ibang mga pagkaing sagana sa Davao tulad ng tuna at maraming putahe ng durian gaya ng cappuccino, pie, cake, candy, jam o ice cream.

  • Wear Our Wears (Shopping Tour)

Ito ang kumukumpleto sa pamamasyal ng bawat turista – ang pamimili ng mga bagay na nagpapaalala sa kanila at nagpapatunay na sila ay nagpunta ng Davao. Mabibili ang iba’t ibang mga palamuti, intrikadong habi ng T’nalak at Dagmay, mga ornamentong T’boli, at makukulay na telang Muslim at batik.

  • Wander Over Wilderness (Adventure Trekking Tour)
  • Wack Our Woods (Golf Tour)

Matapos libutin ang nagpapaligsahan sa gandang golf course sa Davao, maaaliw ang bawat isa sa pagmamasid ng kariktan ng kalikasan habang kampanteng umiinom ng palamig sa clubhouse.

  • Wander On Wheels (Jeepney Cultural Tour)

Sakay ang jeep, dadalhin ng pagliliwaliw na ito ang mga turista sa kakaibang luwalhati nang pakikipamuhay sa mga grupong etniko ng Davao.

  • Wet or Wild (by day/by night).

Ang mainam na lugar upang maging kampante sa gabi ay ang The Venue o sa Matina Town Square kung saan makikita ang mga makukulay na ilaw at maririnig ang mga musika mula sa iba’t ibang cafes at bar.

Binibigyang-diin ng programang ito ang pagpapasyal sa mga turista sa mga kahalihalinang pook sa Davao tulad ng Samal Coral Gardens, Kapalong Caves, Maragusan Falls, Bonsai Forest (Mt. Hamiguitan), Sibulan Trail, The Philippine Eagle Reserve at Bundok Apo.

Dagdag pa rito, itinataguyod din nito ang Daba-Daba Caf, Tourism Council Area, Durian Park Orchard, Giant Fruit Basket, Waling-waling, Sports Area, Eden Nature Park, Luz Kinilaw at Colasas BBQ.

Sa programang ito, itinataguyod din hindi lamang ang mga natural na yamang matatgpuan sa Davao kundi maging ang mga bukod-tanging kapistahan na sa Davao lamang mararanasan. Kabilang dito ang Kadayawan Festival at Kapiyaan Festival ng Davao del Sur, Banana festival ng Davao del Norte, Sambuokan Festival ng Davao Oriental, Pangapog Festival ng Samal, at Ani Bina Festival ng Compostela Valley.

Ang programang ito ay sinusuportahan ng Tanggapan ng Pambansang Pangulo, Kagawaran ng Turismo, at iba’t ibang mga ahensyang lakbay tulad ng National Independent Travel Agent Association (NITAS).

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.