World Breastfeeding Week

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Nagpapasusong Ina

Ang Linggo ng Pagpapasuso ay isang selebrasyon na isinasagawa tuwing unang linggo ng buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang ito sa mahigit 120 bansa sa buong mundo upang hikayatin ang mamamayan sa mga benepisyong maibibigay ng mga ina sa pamamagitan nang pagpapasuso sa kanilang mga sanggol tungo sa kanilang kalusugan at maayos na paglaki. Ito ang ‘’Innocenti Declaration’’ na nilikha ng WHO at UNICEF noong August 1990 na naglalayong protektahan, suportahan at itaguyod ang ‘’breastfeeding’’.

Layunin

Layunin ng pagdiriwang na palaganapin ang mahalagang papel na ginagampanan nang pagpapasuso sa mga sanggol. Dagdag pa nito, layunin din ng pagdiriwang ang mapahalagahan ang pangangailangan ng bawat isa sa aktibong proteksiyon at suportahan ang pagpapasuso. Upang maipaalam sa mga ina, sa kumunidad at mga dalubhasa sa kalusugan, gobyerno, at medya kung paano susuportahan ang pagpapasuso na higit na kailangan ng mga lumalaking sanggol.

Kasaysayan

Noong 1992, nabuo ang ideya ng pagkakaroon ng pagdiriwang para sa pagpapasuso mula sa World Alliance for Breastfeeding Action o WABA, isang organisasyon na may paniniwalang ang ‘’breastfeeding’’ ay karapatan ng bawat bata at nanay. Layunin ng organisasyon na ibalik ang kultura ng ‘’breastfeeding’’ sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga pangaral at mga gawaing sosyal, pulitikal, at kultural.

Taun-taon, gumagawa ng “theme’’ ang WABA na siyang magiging basehan ng pagpapalaganap ng adhikaing ito.


Linggo ng Breastfeeding sa Pilipinas

Binibigyang diin sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagpapasuso ang pagbaba ng breastfeeding rate sa Pilipinas. Ito ay karaniwang sinusuportahan ng Pambansang Pamahalaan at Kagawaran ng Kalusugan kasama ng ilang lokal na organisasyon tulad ng National Policy and Plan of Action on Infant and Young Child Feeding at iba pa sa pamamagitan ng pagtataguyod sa pagpapasuso.

Ang programang ito sa Pilipinas ay sinuportahan din ni Senador Pia Cayetano sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa publiko na suportahan ang pagpapasuso sa buong bansa. Dahil dito, ipinasa niya ang batas na ‘’Senate Bill 761’’, o kilala rin bilang ‘’Expanded Breastfeeding Promotion Act’’. Pinagtutuunan ng pansin ng batas na ito ang pagkakaroon ng mga ‘’breastfeeding stations’’ sa mga pampublikong lugar at mga opisina at ang pagkakaroon ng ‘’milk breaks’’ para sa mga nagpapasusong babaeng empleyado. Ilan pa sa mga batas na sumusuporta sa programang ito ay ang RA 7600 o ang “The Rooming-In and Breastfeeding Act of 1992” at ang Executive Order 51 of 1986 o ang “The Milk Code”.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.