Wonoboyo Hoard

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Wonoboyo Hoard ay isa sa mahahalagang artifact ng Timog-silangang Asya. Kabilang dito ang mahigit 1000 seremonyal na bagay at mahigit 6000 barya. Nahukay ito sa isang taniman sa Wonoboyo, Java, Indonesia noong 1990. Ang mga artifact ay nasa loob ng tatlong bangang terakota. Ayon sa mga pag-aaral, nagmula ang karamihan sa mga natuklasang artifact mula sa ika-9 siglo. Isa sa mga pinakatanyag na bahagi ng Wonoboyo Hoard ay ang Ramayana Bowl. Isa itong lalagyan na may nakaukit na walong eksena sa epikong Ramayana.

Matatagpuan ang artifact na ito sa Pambansang Museo sa Jakarta.

Sanggunian

Deryn Mansell. “The boy was carrying something in his arms. As he reached down to remove the lid of one jar and place the object inside, Aryani saw a flash of gold.” Tiger Stone,http://derynmansell.com/tigerstone/wonoboyo.html. Accessed 6 Abril 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.