Wikang Sebuwano

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Wikang Sebwano (Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[1] Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). May tatlong letrang kodigo ito sa ISO 639-2 na ceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.

Balarila

Mga panghalip

  Palagyo Paari1 Paari2 Palayon
Pang-isahang ika-1 tao ako, ko (Tagalog: ako) nako, ko (ko) ako, akoa (aking) kanako, nako (sa akin)
Pang-isahang ika-2 tao ikaw, ka (ikaw) nimo, mo (mo) imo, imoha (iyong) kanimo, nimo (sa iyo)
Pang-isahang ika-3 tao siya niya iya, iyaha (kaniyang) kaniya, niya (sa kaniya)
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao kita, ta (tayo) nato (natin) ato, atoa (ating) kanato, nato (sa atin)
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao kami, mi (kami) namo (namin) amo, amoa (aming) kanamo, namo (sa amin)
Pangmaramihang ika-2 tao kamo, mo (kayo) ninyo inyo, inyoha kaninyo, ninyo (sa inyo)
Pangmaramihang ika-3 tao sila nila ila, ilaha (kanilang) kanila, nila (sa kanila)

Talasalitaan at hiniram na salita

Wikang Austronesiyo ang Sinugbuanon, at marami itong katumbas na salita sa ibang mga wika ng Filipinas at iba pa.

Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles. Mayroon din na galing sa salitang Arabo.

Pamamahaging heograpikal

Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.

Mga salita at parirala

Mga bilang

Kardinal Ordinal
1 usà isa
2 duhà dalawa
3 tulò tatlo
4 upàt apat
5 limà lima
6 unòm anim
7 pitò pito
8 walò walò
9 siyàm siyàm
10 napú'ô sampu

Mga Sebwano na salita sa bawat lugar

Kabisayaan

Purong Sebwano (Northern Cebuano)

(Salitang purong Sebwano (Bisaya) na mayroong salita-ng Boholano at Waray).


Mindanaw

Chavacano, Bisaya (Western Cebuano)

(Salitang mayroong halong "Chavacano Zamboanga", na mayroong salitang (Bisaya) "Sebwanong Wika" at kasama ang ka-Musliman).

Bisaya, Bisdak (Central Cebuano)

(Salitang Purong Bisaya-"Malalim na Bisaya" (Sebwano), na mayroong halong "Mababaw na Bisaya" (Bisdak)).

Bisdak, Dabawenyo, Bl'aan (Southeastern Cebuano)

(Salitang mayroong halong "Davaoeño", na mayroong kasamang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak) at isinama ang Bl'aan, (Sarangani)).

Bisdak, Bl'aan, Manobo, Muslim (Southern Cebuano)

(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong kasamang Manobo (Cotabato) at isinama ang Ka-musliman).

Bisdak, Kamayo, Surigaonon (Eastern Cebuano)

(Salitang "Mababaw na Bisaya" (Bisdak), na mayroong Kamayo (Surigao), at isinama ang Surigaonon).

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing

Mga kurso sa web

Balarila

Mga talahulugan

Mga tekstong pangmag-aaral

  1. Ulrich Ammon, Norbert Dittmar, & Klaus J. Mattheier (2006). Sociolinguistics: an international handbook of the science of language and society. Walter de Gruyter. ISBN 978-3-11-018418-1.