Wikang Maranao

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Wikang Mëranaw (ibinibigkas na: /ˈmәranaw/) ay isang wikang Awstronesyo na ginagamit ng mga Mëranao sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa Pilipinas, at sa Sabah, Malaysia.

Distribusyon

Ang Mëranao ay sinasalita sa mga sumusunod na lugar (Ethnologue).

  • halos kabuoan ng Lanao del Sur Province
  • Lanao del Norte Province: timog, hilaga ng Lawang Lanao
  • hilagang kanlurang Maguindanao Province: Matanog, Bariya, Buldon, at mga munisipaliti ng Parang
  • hilagang kanlurang Cotabato at gitnang kanlurang mga lalawigan sa Bukidnon

Ortograpiya

Ang Mëranao ay isinusulat noon gamit ang mga titik Arabo na kilalá bílang Batang Arab. Isinusulat na ito ngayon gamit ang mga titik Latino.

A, B, D, Ë, E, G, H, I, K, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y

Ang "Ë", o patuldok na E, ay binibigkas nang may schwa (/ə/).

Ang mga dobleng patinig ay binibigkas nang hiwalay. Halimbawa, ang "kapaar" ay ibinibigkas na /kapaʔaɾ/. Ginagamit lang ang "H" para sa mga hiram na salitang Málay.

Mga kawing panlabas