Virginia Moreno

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Virginia R. Moreno (24 Abril 1923-14 Agosto 2021) ay isang Pilipinong makata at mandudula.

Ipinanganak si Moreno sa Maynila noong ika-24 ng Abril 1923. Nag-aral sila sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan naging patnugot siya ng Philippine Collegian. Nag-aral din siya sa Kansas Institute of International Education. Nakatatandang kapatid siya ng batikang fashion designer na si Jose "Pitoy" Moreno.

Unang nalimbag noong 1972 ang koleksyon ng mga tula ni Moreno na may pamagat na Batik Maker and Other Poems. Nakatanggap ito ng Palanca Memorial Award for Literature. Kilala rin siya sa kaniyang mga dulang Straw Patriot (1956) at The Onyx Wolf (kilala rin na La Loba Negra at Itim Asu, 1969).

Noong 1984, ginawaran si Moreno ng Southeast Asia (SEA) Write Award, at ng Chroslais dans l’Ordre des Palmes Academiques ng pamahalaang Pranses noong 1991.

Pumanaw si Moreno noong ika-14 ng Agosto 2021 sa edad na 98.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.