Vino Escarlata

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Vino Escarlata ay isang alak na gawa sa katas ng rosas (rose wine) at benepisyal sa katawan ng tao. Ito ay nilikha ni Propesor Fe Ganchero, isang Ilonggang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Master of the Arts in Teaching Chemistry at kasalukuyang nagtuturo sa UPV College of Arts and Sciences, Department of Chemistry.

Kasaysayan

Ang paggawa ng rose wine ay isa lamang sa libangan (hobby) ni Propesor Ganchero na nagsimula noong 1984. At noong naglaon, ito ay napatunayang kapaki-pakinabang sa kalusugan ng tao.

Dahil siya ay dalubhasa sa larangan ng organic chemistry, ang paggawa ng alak ay isa mga eksperimentong madalas niyang ipinagagawa sa kaniyang mga estudyante. Ang kaniyang natatanging interes sa paggawa ng alak ang nagtulak sa kaniya upang gumawa ng sarili niyang eksperimento hanggang sa ito ay naging libangan. Sinubukan niya ang bignay (Antidesma bunius); gumamela (China rose); hibiscus (Hibiscus rosa-sinensis Linn); passion fruit (Passiflora edulis); bika (berdeng ubas) at ang rosas (Rosa francofurtana inermis), ang kaniyang paboritong ginagamit sa kaniyang mga eksperimento.

Noong 1976 hanggang 1977, nang si Propesor Ganchero ay kumukuha pa lamang ng pagkadalubhasa sa UP, madalas siyang pumupunta sa United States Information Service (USIS) Library kung saan niya natagpuan ang aklat na, "The Magic of Herbs". Nakasulat dito ang iba't-ibang paraan ng paggawa ng alak, sinunod at sinuri niya ang paraan at nasiyahan sa kinalabasan ng kaniyang eksperimento. Dahil dito, itinuloy niya ang paggawa ng rose wine na pinasubok niya sa kaniyang mga kaibigan, lalo na sa kaniyang ama. Ayon kay Propesor Ganchero, naniniwala siyang nakatulong ang pag-inom ng kaniyang ama ng nasabing alak kung kaya't umabot ito sa edad na 104.

Benepisyo sa Kalusugan

Ayon kay Propesor Ganchero, ang sukat ng Bitamina C sa rose hips ay higit pa sa dalanghita na may humigit-kumulang na 1700-2000mg bawat 100g. Matatagpuan din ang Bitamina E sa rose hips. Ayon sa mga pananaliksik, ang anti-inflammatory na epekto ay ang bioactive na sangkap ng rosas. Ayon din sa pagsusuri sa laboratoryo, ang rose wine ay non-toxic.

Ipinaliwanag niya na habang ang rosas ay dumadaan sa proseso ng paggiging alak, malaking porsyento pa rin ng Bitamina C ang nananatili. Sa ibang pagsusuri, ang rosas ay sinasabing isang anti-bacterial. Ang langis na nagmumula sa rosas ay magaling para sa balat--sinasabing ito ay nakakatulong sa pagbanat ng balat, sa tulong ng sangkap na flavonoid. Ang rose hips ay ginagamit din bilang tsaa, minatamis, jelly, syrup, inumin, tinapay, at marmelada. Bilang halamang gamot, ang rose hips pampagaling ng sipon at lagnat. Ito din ay sinasabing nakakatulong sa pag-iwas sa urinary tract infection, pagkahilo at sakit ng ulo.

Pagkakakilala

Noong Pebrero 2, 2002, ang rose wine na kaniyang nilikha ay naimbitahan na maitanghal sa Asia Pacific’s Philippine Products Exhibit sa SM Megamall’s Megatrade Center. Marami ang nahikayat sa nasabing alak na gawa sa rosas at humanga kay Propesor Ganchero. Nang bumalik siya sa Iloilo noong Mayo 2002, nag-umpisa siyang dagdagan ang paggawa niya ng alak. Kasama ang dalawa pang propesor mula sa UPV na sina Propesor Maria Angeles Frio at Propesor Monita Pama, nagtulungan sila upang maging isang kapaki-pakinabang na gawain. Ang kanilang mga pinapatubong mga rosas ay tinitiyak nilang hindi naapektuhan ng polusyon kung kaya't ang mga rosas na ginagamit sa proseso ng paggawa ng rose wine ay tiyak na malusog at husto sa paggawa ng alak.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.