Vincent Arboleda
Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Vincent Arboleda.
Si Vincent Adam Arboleda (1987-21 Pebrero 2021) ay isang Pilipinong mamamahayag at reporter para sa UNTV News and Rescue. Nagsimula siya bilang isang volunteer correspondent sa UNTV Iloilo noong 2011. Dahil sa kaniyang galing at sipag sa pagkalap ng impormasyon at balitan, itinalaga siya bilang pangunahing reporter ng UNTV sa Western Visayas. Kabilang sa mga mahahalagang pangyayaring kaniyang ibinalita ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Meeting sa Iloilo noong 2015, ang halalan noong Mayo 2016 at ang pagsasara at rehabilitasyon ng Boracay noong 2018. Noong 2019, lumipat siya sa Maynila para maging reporter ng UNTV sa House of Representatives. Kabilang din siya sa mga reporter na tumutok sa sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nagtapos si Arboleda ng kursong Secondary Education major in English sa Filamer Christian College sa Roxas, Capiz.
Pumanaw si Arboleda noong ika-19 ng Pebrero 2021 sa edad na 33.
Mga Sanggunian
- Vincent Adam Arboleda (Accessed 9 December 2021)
- UNTV reporter Vincent Arboleda, pumanaw na sa edad na 33(Accessed 9 December 2021)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |