Vic Sotto

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Vic Sotto (ipinanganak Abril 28, 1954 sa Maynila) ay isang komedyanteng artista, mang-aawit, kompositor, punong-abala at prodyuser sa Pilipinas. Tinatawag siya sa palayaw na "Bossing", palagian siyang nakikita sa pinakamahabang na-ereng palabas sa telebisyon, ang Eat Bulaga! at tinanghal bilang Hari ng Takilya (Box Office King) ng tatlong beses, gayon din bilang pinakamahusay na komedyante sa Parangal ng Bituin sa Telebisyon (Star Awards for Television). Nagtapos si Vic Sotto sa Colegio de San Juan de Letran.

Kasalukyang niyang karelasyon ngayon si Pia Guanio na kasama din niya sa Eat Bulaga! at Ful Haus, isang sitcom (sitwasyong komedya) sa GMA Network. Magiging punong-abala siya ng parating na palarong palabas sa TV 5, ang bagong season (kabanata) ng Who Wants To Be A Millionaire na si Christopher De Leon ang naunang punong-abala ng palabas na nabanggit.

Pilmograpiya

Mga palabas sa telebisyon

  • Who Wants to Be a Millionaire? (TV5) - Mayo 23, 2009
  • Ful Haus (GMA Network) - (2007) - bilang Ful
  • Eat Bulaga! (RPN-9, 1979-1989), (ABS-CBN, 1989-1995), (GMA Network, 1995-present)
  • Sa Iyong Paglisan: Eat Bulaga Holy Week Special (GMA Network) (2007)
  • Daddy Di Do Du (GMA Network) (2001-2007) - bilang Kul
  • A Telefantastic Christmas: The GMA All-Star Special (GMA Network) (2005)
  • Perfect: Eat Bulaga Holy Week Special (GMA Network) (2005)
  • Korek na Korek ka Dyan (GMA Network) (2001)
  • 1 for 3 - (GMA Network) (1997) - bilang Gene
  • Mixed Nuts! (Numero Unong Terrific Show) (GMA Network) (1994-1997)
  • Rock n' Roll 2000 (ABC-5, now TV5) (1992)
  • TVJ on 5 (ABC-5) (1992) (TeleVision's Jesters on 5)
  • TVJ (TeleVision's Jesters) (IBC-13) (1989)
  • Coney Reyes On Camera (ABS-CBN) (Isang kabanata)
  • Okay Ka, Fairy Ko! (IBC-13, 1987-1989), (ABS-CBN, 1989-1995), (GMA Network, 1996-1997) - bilang Enteng Kabisote
  • Two Plus Two (BBC 2)(1982) - with Dina Bonnevie, Chichay, Maricel Soriano at William Martinez
  • Lucky Stars (RPN 9) (1980)
  • Ok Lang (IBC-13) (1978)
  • Iskul Bukol (IBC-13) (1977 - 1990) - bilang Vic Ungasis
  • Friends (GTV-4 "now NBN 4") (1977)
  • Student Canteen (GMA Network) (1977)
  • Discorama (GMA Network) (1975)

Mga parangal

  • Tatlong beses na pinangaralan bilang Hari ng Takilya (Box-Office King) sa Parangal ng Libangan ni Guillermo Mendoza (Guillermo Mendoza's Entertainment Awards).
  • Nanalo, Pinakamahusay na Aktor sa isang Seryeng Komedya - Parangal ng Bituin ng PMPC para sa Telebisyon (PMPC Star Awards for Television) (1986, 1989, 1996, 2001, at 2002)
    • Okay Ka Fairy Ko
    • 1 for 3
    • Daddy Di Do Du
  • Nanalor, Pinakamahusay na Punong-abala para isang Samu't-saring Palabas (Variety Show) - Parangal ng Bituin ng PMPC para sa Telebisyon (1989, 1992, 2000, 2002 & 2008)
    • Eat Bulaga
  • Parangal para sa Habang-buhay na Natamo (Lifetime Achievement Award) (para sa TVJ) - Parangal ng Bituin ng PMPC para sa Telebisyon (2000)