Vic Rodriguez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Victor “Vic” D. Rodriguez ay abogado at matagal nang chief of staff at tagapagsalita ng inaasahang magiging Pangulo ng Pilipinas na si Bongbong Marcos. Kilala ang 48-taong-gulang na si Rodriguez bilang loyalista ni Marcos.

Si Rodriguez ay tagapamahala rin ng Rodriguez & Partners Law Firm, pangulo ng QC Trial Lawyers League, at kilalang alumnus ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST) na naging ingat-yaman ng Law Alumni Foundation (USTLAFI).

Nominado rin si Rodriguez na maging Kalihim Tagapagpaganap ng administrasyong papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.