Uwang Ahadas
Si Uwang Ahadas ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya bilang isang musikero. Pinarangalan siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 2000.
Talambuhay
Ipinanganak si Ahadas noong ika-16 ng Pebrero 1945. Nagkaroon siya ng problema sa mata at siya ay naging near blind noong siya ay limang taong gulang. Kasama ang kaniyang mga kapatid, natutong tumugtog ng mga tradisyunal na instrumentong Yakan si Ahadas noong bata pa sila. Ang pagtugtog ng gabbang ang una niyang natutunan, at sumunod ang pagtugtog ng agung.
Noong siya ay 20 taong gulang na, bihasa na si Ahadas sa pagtugtog ng kwintangan, isang mahalagang instrumentong Yakan na kadalasan ay tinutugtog ng kababaihan. Marunong din siyang tumugtog ng tuntungan. Tinuruan rin ni Ahadas ang kaniyang mga anak na tumugtog rin ng mga tradisyunal na instrumento, at pinanguhanan ang pagpapalaganap ng kaalaman sa tradisyunal na mga instrumentong Yakan.
Kinilala siya bilang Manlilikha ng Bayan noong taong 2000.
Mga Sanggunian
- National Living Treasures: Uwang Ahadas
- Lamitan in Basilan holds festival to celebrate cultural harmony
- Uwang Ahadas, National Living Treasure for Traditional Music
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |