Urbana at Feliza

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Mataas ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang pamilya. Ang pagiging maaalalahanin ang isa sa magagandang katangiang ipinamamalas sa isa’t isa. Malimit itong ipinararamdam sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabubuting pangaral. Huwaran din ng mga nakababatang kasapi ng pamilya ang mga nakatatanda sa kanila.

Isang klasikong prosa ang nagpapakita ng ganitong kaugalian ng mga Pilipino. Sa akdang Urbana at Feliza, mababasa ang palitan ng magkapatid ng liham na nagsasaad ng mga pangaral.

Tinatawag na epistolaryo ang isang anyong pampanitikan na nagsasalaysay ng pangyayari sa pamamagitan ng liham.

Ang Magkapatid

Ang prosang Urbana at Feliza ay isinulat ng Caviteñong si Padre Modesto de Castro. Ang orihinal na pamagat ng akda ay Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza.

Mababasa rito ang sulatan ng magkapatid na sina Urbana, ang nakatatanda na nagaaral ng kolehiyo sa Maynila, at Feliza, ang nakababata na nasa Bulacan na nagnanais matuto ng wastong asal.

Tinalakay sa akda ang iba’t ibang kagandahang asal na dapat isapuso at gawin ng bata man o matanda. Itinuturo rin sa kuwento ng magkapatid ang mahusay na pakikipagkapuwa-tao, maayos na pagkilos sa mga pagtitipon, paglaban sa masasamang gawi, at pagiging mapagkumbaba.

Mabuting Pag-uugali

Hitik sa matatalinghagang pahayag ang usapan ng magkapatid sa kuwento. Tuklasin ang mensaheng hatid ng sumusunod na sipi ng pahayag sa Urbana at Feliza.

  • Ang kamahalan at karangalan ang dapat humahanap ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong.
  • Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang nasa.
  • Huwag magpapakita ng kalupitan sa pagnanasang igalang ng tao, sapagkat hindi ang katampalasan, kundi ang pagtunton sa matuwid, at pagpapakita ng magandang loob, ang iginagalang at minamahal ng tao.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.