United Nationalist Alliance (UNA)
Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.
Ang United Nationalist Alliance o UNA ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ni dating Pangalawang Pangulo Jejomar Binay.
Noong 2012, ang UNA ay kinikilala lamang ng Commission on Elections (Comelec) bilang koalisyon sa pagitan ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban). Katunayan, noong Halalan 2010, si Binay ay tumakbo at nagwagi bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng PMP.
Naging opisyal na partidong politikal lamang ang UNA noong Hulyo 2015, bilang paghahanda na rin ng kanilang kampo para sa Halalan 2016. Tumakbo sa ilalim ng UNA si Binay bilang pangulo at si Gregorio Honasan bilang pangalawang pangulo ngunit natalo kina Rodrigo Duterte at Leni Robredo.
Samantala, mula noong 2018 ay tumatayong tagapangulo ng UNA si Nancy Binay.
Halalan 2022
Wala pang opisyal na anunsiyo ang UNA hinggil sa kanilang mga plano para sa Halalan 2022. Gayunman, may pag-uusap nang naganap sa pagitan ng UNA at ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa posibleng koalisyon.
Mga Sanggunian
- “Nancy Binay named new UNA president.” Rappler, 20 Setyembre 2018. https://www.rappler.com/nation/elections/nancy-binay-new-united-nationalist-alliance-party-president. Accessed 7 Setyembre 2021.
- Hannah Torregoza. “Binay’s UNA suspends discussions on 2022 elections as nation fights Delta variant.” Manila Bulletin, 3 Agosto 2021. https://mb.com.ph/2021/08/03/binays-una-suspends-discussions-on-2022-elections-as-nation-fights-delta-variant/. Accessed 7 Setyembre 2021.
- Vanne Elaine Terrazola. “NPC-UNA-Partido Reporma 2022 alliance in the works.” Manila Bulletin, 24 Hulyo 2021. https://mb.com.ph/2021/07/24/npc-una-partido-reporma-2022-coalition-in-the-works/. Accessed 7 Setyembre 2021.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |