Ubas
Jump to navigation
Jump to search
Ang ubas ay isang maliit at hugis bilog na prutas na karaniwang makikita sa mga tropikal at subtropikal na mga bansa. Kabilang ito sa pamilya na kung tawagin ay Vitaceae at isa rin sa mga halamang baging na kung saan ang mga sanga nito ay karaniwang gumagapang sa anumang bagay katulad na ng puno, bakal, o sa mga mahahabang patpat. Matamis at masustansiya ang bawat butil ng prutas na ito kaya karaniwan itong nilalagay sa mga salad at ginagawa rin itong jam, gulaman, inumin, pasas, at alak.
Sanggunian
- Grapes. The World's Healthiest Foods. (Sinilip noong 12 Oktubre 2011)
- Benefit of Grapes May Be More Than Skin Deep: Lower Blood Pressure, Reduced Heart Damage. Science Daily. (Sinilip noong 12 Oktubre 2011)
- How to Grow Grapes in the Philippines. EntrePinoys Atbp. (Sinilip noong 12 Oktubre 2011)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |