Tulay na Buhangin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Tulay na Buhangin (1964) ang nobela ni Agapito Joaquin, at tumatalakay sa banggaan ng dalawang uri sa lipunan na ang isa'y mayaman at ang kabila'y mahirap. Nakatuon kay Nardo ang salasay. Si Nardo, na maralitang naninirahan sa Anak-Lindol, ay tinulungan o tinustusan ng kaniyang mga kababayan na makatapos sa pag-aaral sa Maynila. Ngunit nang makamit na niya ang titulo'y tinanggap naman niya ang alok ng makapangyarihang pamilyang Quintero na nais saklawin ang buong isla. Napaibig si Nardo kay Marissa na mula angkan ng mga Quintero.

Ang pangyayaring iyon ang lalong nagpangitngit sa mga tao, dahil pinaniwalaan nilang nagtaksil sa kanilang simulain si Nardo. Sa kabila ng lahat, pinanindigan ni Nardo ang kaniyang ambisyon na makaahon sa hirap at hindi pinansin ang mga tao. Isang araw, yumanig ang paligid, at gumuho nang ganap ang tulay na nag-uugnay sa Anak-Lindol at sa lupain ng pamilyang Quintero. Nagkatotoo ang isang hula, na mawawasak ang tulay sa oras na tawirin ito ng mga mapangwasak na puwersang gaya ng pamilya Quintero.

Sanggunian

  • Joaquin, Agapito. Tulay na Buhangin, na nalathala noong 1964.

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Tulay na Buhangin Tulay na Buhangin Tulay na Buhangin Tulay na Buhangin