Tuba

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Tuba, isang inumin na kinuha mula sa puno ng niyog sa Laguna at Quezon, ay nagmumula sa nipa o sasa ng Bulakan.

Pagkuha ng Dagta

Ang pinakamaiging oras upang kumuha ng unang dagta ay mula madaling-araw hanggang alas-9 ng umaga. Ang bulaklak ng nipa, na ganap nang namukadkad, ay unang sisipain ng nangunguha para ito ay paiyakin o upang ito ay magdulot ng katas. Matapos, puputulin ang tangkay nito. Upang masalo ang dagta, isang tukil o lalagyan na gawa sa kawayan at may hawakan ang ipapasok sa sasa.

Sa Malolos, Paombong at Hagonoy, ang tuba ay ginagamit bilang pangsama o pangsahog sa mga lutuin – mula sa iba't ibang putahe hanggang sa panghimagas.

Gamit ng Tuba

  • Ang tuba o tubang tinamis ay maaring ipanluto sa anumang puting isda. Ilalagay ang isda (asohos, ayungin, atbp.) sa isang luwad na palayok, kasama ang tuba at mga dahon ng alibangbang. Kapag lumambot na ang isda, kukuha ng isang patpat na may apoy sa ilalim ng palayok at sindihan ang madaling-magliyab na tuba na nasa palayok. Ang nag-alab na isda ay siguradong magkakaroon ng masarap na lasa.
  • Ang tuba ay isinasama rin ng mga katutubo sa lugaw o arroz caldo. Nagbibgay ang tuba ng manamis-namis at maasim-asim na lasa sa mga pagkaing ito.
  • Maging ang panghimagas na malagkit ay pinapakuluan ng tatlong oras sa tubang tinamis. Hindi na kakailanganin pa ng asukal sa malagkit dahil ang tuba ay napakatamis.

Sanggunian

  • Cordero-Fernando, Gilda. Philippine Food and Life. Pasig: Anvil Publishing Inc., 1992.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Bold text