Trece Martires

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Trece Martires, o opisyal na Lungsod ng Trece Martires, ay isang ika-apat na klaseng lungsod sa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Dati itong kabisera ng Kabite. Ayon sa senso ng 2015, ito ay may populasyon na 155,713 sa may 32,795 na kabahayan.

Ito ay ipinangalan sa Labintatlong Martir ng Kabite na pinatay ng mga Kastila noong 12 Setyembre 1896.

Dito rin matatagpuan ang Kapitolyo ng lalawigan ng Kabite. Ang ugnayan at transaksyong panlalawigan ay ginagawa sa lungsod sa kabila ng pagdedeklara nitong kabisera ay ang Lungsod ng Imus sa Cavite.

Mga Barangay

Ang Lungsod ng Trece Martires ay nahahati sa 13 na mga barangay.

Barangay Dating pangalan Punong Barangay Uri ng pamayanan
Aguado Fiscal Mundo Jaimer M. Sierra Rural
Cabezas Palawit Marcelino V. Alarca Rural
Cabuco Kanggahan Federico M. Ferraer Rural
Conchu Lagundian Anselmo L. Trinidad Rural
De Ocampo Quintana I Romeo L. Montehermoso, Jr. Urban
Gregorio Aliang Eliseo G. Dela Luya Rural
Hugo Perez Lukbanan Simeon A. Perdito Urban
Inocencio Bagong Pook Teodoro D. Atas Urban
Lallana Panukang Gubat Carlito A. Leachon Rural
Lapidario Bayog Remigio G. Dilag Urban
Luciano (Poblacion) Bitangan Luisito R. Diloy Urban
Osorio Project Joselito A. Marquez Rural
San Agustin (Poblacion) Quintana II Cornelio L. de Sagun Urban

Mga Paaralang Pampubliko

  • Elementarya
    • Trece Martires City Elementary School (Central)
    • Lapidario Elementary School
    • Kanggahan Elementary School
    • De Ocampo Elementary School
    • Bagong Pook Elementary School
    • Southville Elementary School
    • Conchu Elementary School
    • Osorio Elementary School
    • Palawit Elementary School
    • Hugo Perez Elementary
    • Aliang Elementary School
    • Luciano Elementary School(itinatayo pa lamang)
    • Aguado Elementary School
    • Feliciano Cabuco Elementary School
  • Sekundarya
    • Trece Martires City National High School Main Campus
    • Francisco Osorio National High School (dating TMCNHS Osorio)
    • Luis Aguado National High School (dating TMCNHS Aguado)
    • TMCNHS Agapito Conchu
    • TMCNHS Feliciano Cabuco
    • Eugenio Cabezas National High School (dating TMCNHS Cabezas)
    • TMCNHS Hugo Perez
    • TMCNHS Sunshine Ville

Kolehiyo

  • Trece Martires City College
  • Cavite State University - Trece Martires City Campus
  • Colegio de Amore

Transportasyon

  • Bus - Trece Martires at Bayan ng Indang papunta at pabalik mula Baclaran (Parañaque), Pasay Rotonda, at Lawton
  • Jeepneys - Ruta mula Rosario (Salinas, SM Rosario, Cavite Export Processing Zone o CEPZ), Tanza (Town Proper) Trece Martires (City Proper, Regina Ville, Luciano, Inocencio) hangang Indang, at v.v. ; Ruta mula Trece Martires (City Proper) hanggang sa Pala-Pala, Lungsod ng Dasmariñas (gamit ang Governor's Drive); Ruta mula Trece Martires (City Proper) hanggang sa Bayan ng Maragondon (dadaan sa Bayan ng Naic, Cavite)
  • Multicabs- Pamilihang Lunsod patungong Southville2 Ressetlement Subdivision sa Barangay Aguado.
  • Tricycle- Kahit saang lugar sa Lungsod

Demograpiko

Senso ng populasyon ng

Trece Martires

Taon Pop. ±% p.a.
1960 4,422 —    
1970 6,522 +3.96%
1975 7,179 +1.94%
1980 8,579 +3.63%
1990 15,686 +6.22%
1995 20,451 +5.10%
2000 41,653 +16.47%
2007 90,177 +11.24%
2010 104,559 +5.53%
2015 155,713 +7.88%
Sanggunian: PSA

Kawing Panlabas


Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Trece Martires. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.