Traslacion

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang traslacion ay salitang Spanish na nangangahulugang “paglipat ng isang bagay mula sa isang pook tungo sa ibang pook.” Ito ay mas kilalang terminolohiya na iniuugnay sa Pista ng Itim na Nazareno kung saan imahen ng poon ay ipinuprusisyon mula sa Quirino Grandstand sa Luneta papunta sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila. Ginagamit din itong terminolohiya sa pagprusisyon sa imahen ni Nuestra Señora de Peñafrancia ng Naga Cathedral.

Sanggunian

Michael L. Tan. "Translating Quiapo." Inquirer.net, 10 Enero 2013. https://opinion.inquirer.net/44593/translating-quiapo. Accessed 24 Disyembre 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.