Torogan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Modelo ng Torogan

Ang Torogan ay ang tawag sa bahay ng mga Maranao ng nkatira sa Rehiyon ng Lanao sa Mindanao. Ang mga nagmamay-ari ng bahay na kagaya nito ay na nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Ito ang nagsisilbing tahanan para sa datu kasama ang kanyang mga asawa at mga anak. Sa isang pamayanan, ipinagbabawal magkaroon ng bahay na mas malaki pa kaysa sa torogan ng datu sapagkat ito ay nagpapakita ng estado, karangyaan at kayamanan.

Istruktura

Ang mga Maranao ay may tatlong uri ng bahay, una ang tinatawa nilang lawig, ito ay tumutukoy sa maliliit na bahay. Ikalawa naman ay ang mala-a-walai na tumutukoy naman sa malalaking bahay at ang huli ay ang torogan. Ang torogan ay bahay ns tinitirahan ng datu. Ang bahay na ito ay walang mga kwarto at ito ay tamang tamang tirahan para sa pamilya ng datu, sa kanyang mga asawa at mga anak. Ang bintana ng torogan ay gawa sa mga piraso ng kahoy na nakakabit sa kahoy na panel at dinesenyuhan ng okir. Ito ay nakalagay sa harapan ng bahay. Ang lutuan ay kalahating metrong mas mababa sa bahay at ginagamit upanglugar ng kainan at lutuan. Ant torogan ay nilalagayan ng madaming dekorasyon. May disenyong diongal sa bubong, sa sahig at bintana ay okir naman ang disenyon. Mayroon ring mga malong na nakasabit gamit ang mga tali, ito ay upang magkaroon ng harang sa isang partikular na teritoryo. Ang bahay ay ginawa upang sumunod sa galaw ng lindol. dalawampu't limang poste ng mamalaking puno ang sumusuporta sa bahay, bagaman hindi ito nakabaon sa lupa. Minsan gumagamit ng mga wooden pegs para mas maging matibay ang istruktura.

Gamit

Ang torogan ay hindi lamang ginagamit para tirahan ng datu at nang kaniyang pamilya, may iba pa itong gamit. ang tahanang ito ay ginagamit din sa tuwing may mga kaganapang pang lipunan at pangrelihiyon kagaya ng kasalan, dito rin minsan binuburol ang patay, mga konperensya at kahit pagdidisiyson sa mga kriminal. Minsan ginagamit din itong bahay para sa mga bisita ng lugar.


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Sanggunian

  • Valera-Turalba, Maria Christina. Philippine Heritage Architecture: before 1521 to the 1970s.Philippines: Anvil Publishing Inc.,2005