Timog Asya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Timog Asya ay ang katimugang rehiyon ng Asya na binubuo ng walong bansa: Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, at Maldives. Ang ugnayan ng mga bansang ito ay pinagtitibay ng South Asian Association for Regional Cooperation (SAARC) na naitatag noong 1985.

Ang mga hanggahan ng Timog Asya ay kinabibilangan ng mga serye ng kabundukan sa hilaga: ang Hindu Kush sa hilagang kanluran, ang Bulubundukin ng Karakoram sa gitnang hilaga, at ang Himalayas sa hilagang silangan. Sa hilaga ng mga kabundukang ito ay ang Kapatagang Indo-Gangetic, na nabuo mula sa kombinasyon ng mga alluvial plain ng Indus, Ganges, at Brahmaputra.

Sa Timog Asya rin matatagpuan ang isa sa mga kinikilalang sinaunang sibilisasyon sa mundo, ang kabihasnang Indus.  

Mga Bansa

Narito ang ilan sa mga heograpikong katangian ng mga bansa sa Timog Asya:

Afghanistan

Ang Afghanistan ay may kabuoang sukat ng lupain na 652,230 kilometro kuwadrado. Ito ay isang landlocked na bansa, nangangahulugang hind ito napalilibutan ng katubigan katubigan bagkus ay mga bansa tulad ng China, Iran, Pakistan, Tajikistan, Turmenistan, at Uzbekistan. Malaking bahagdan ng kalupaan ng Afghanistan ay ginagamit sa agrikultura.

Bangladesh

Ang Bangladesh ay nasa hanggahan ng Lawa ng Bengal, gitna ng Burma at India. Ito ay may kabuoang sukat na 148,460 kilometro kuwadrado (130,170 kilometro kuwadrado ang lupa at18,290 kilometro kuwadrado ang tubig. Ang 70.1 % ng kalupaan nito ay ginagamit sa agrikultura.

Bhutan

Ang Bhutan ay isa ring landlocked na bansa na may kabuoang sukat na 38,394 kilometro kuwadrodao. Ito ay napagigitnaan ng China at India. Maraming kabundukan at may matatabang lupa ang mga lambak nito na maaaring pagtaniman.

India

Ang India ay may sukat na 3,287,263 kilometro kuwadrado (7,000 kilometro kuwadrado nito ay katubigan) at napalilibutan ng Bangladesh, Bhutan, China, Nepal, at Pakistan. Ang Bulubundukin ng Himalayas at Talampas ng Tibet ang naghihiwalay nito sa iba pang bansa sa Asya. Tatlong mahahalagang ilog ang patuloy na nagpapasigla sa agrikultural na sektor ng bansa: ang Ilog Ganges, Ilog Brahmaputra, at Ilog Indus.

Maldives

Ang Maldives ay ang pinakamaliit na bansa sa Asya na binubuo ng mga atoll (hugis singsing na tangrib sa paligid ng danaw) sa Karagatang Indian, katimugang bahagi ng India. Ito ay may kabuoang lawak na 298 kilometro kuwadrado.

Nepal

Ang Nepal, na napagigitnaan ng China at India, ay may kabuoang sukat na 147,181 kilometro kuwadrado (3,830 kilometro kuwadrado nito ay katubigan). Nandito ang 10 pinakamatataas na tugatog sa buong mundo: Everest, Kanchenjunga, Lhotse, Makalu, Cho Oyu, Dhaulagiri I, Manaslu, Annapurna I, Gyachung Kang, at Annapurna II.

Pakistan

Ang Pakistan ay may kabuoang sukat na 796,095 kilometro kuwadrado (725,220 kilometro kuwadrado nito ay katubigan). Napalilibutan ito ng Afghanistan, China, India, at Iran. Kontrolado ng pamahalaan ng Pakista ang Khyber Pass at Bolan Pass, mga sinaunang ruta ng pananakop na napagigitnaan ng Gitnang Asya at Indian Subcontinent.

Sri Lanka

Ang Sri Lanka na may kabuoang sukat na 65,610 kilometro kuwadrado (980 kilometro kuwadrado nito ay katubigan) ay isang isla sa Karagatang Indian, katimugang India.   

Mga Gabay na Tanong

Ang sumusunod na gabay na tanong ay makatutulong sa mga mag-aaral sa Baitang 7 sa kanilang pag-aaral sa asignaturang Araling Panlipunan (Unang Kuwarter):

  • Paano naiiba ang katangiang pisikal ng Timog Asya sa iba pang rehiyon sa Asya?
  • Anong katangian ng Asya (bilang kabuoang kontinente) ang masasalamin sa heograpikong katangian ng Timog Asya? Ipaliwanag.
  • Ano-ano ang heograpikong katangian ng Timog Asya na sa iyong palagay ay nakatutulong sa ekonomiya nito? Ipaliwanag.
  • Bakit mahalaga na magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ang mga bansa sa Timog Asya?

*Most Essential Learning Competencies: Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating–heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.