Tiali-tali (Rope Motif)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang tiali-tali ay isang disenyong pansining ng Sulu na kadalasang ginagamit sa sining na pang-eskultura ng mga panday, manlililok at mga magpapalayok

Ang mga dekorasyong gawa sa pinaglikaw-likaw na pinalipit o itinirintas na alambreng ginto, tanso o pilak na makikita sa maraming uri ng alahas ay karaniwang napapalibutan ng mga nakapilipit na pinong lubid ng alambre. Ito rin ay makikita sa gilid ng mga pulseras na ginawa sa pinukpok na metal. Ang iba pang nilalagyan ng tiali-tali ay mga metal at kahoy na kahon, baul at mga palayok.

Sanggunian

  • Amilbangsa, Ligaya Fernando. Ukkil: Visual Arts of the Sulu Archipelago. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2005.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.