Third-hand smoke
Ang latak ng usok ng paninigarilyo ay tinatawag na third-hand smoke. Kaiba sa secondhand smoke na nawawala matapos ang ilang oras, ang third-hand smoke ay kumakapit sa iba’t ibang bagay gaya ng pader, damit, furniture, sahig, kurtina at balat at nananatili ng ilang linggo hanggang buwan. Ang third-hand smoke ay nagkakaroon ng reaction sa nitrous acid sa hangin at bumubuo ng tobacco-specific nitrosamines (TSNA) na lubhang mapanganib.
Kung ipaghahambing sa first-hand smoke (nalalanghap ng naninigarilyo) at secondhand smoke (nalalanghap ng non-smoker) na parehong matagal nang napatunayang masama sa kalusugan, ang third-hand smoke ay isang bagong ideya na ngayon pa lang nasimulang lubusang pag-aralan. Sa katunayan, ito ay isang bagong terminolohiyang ginamit sa isang siyentipikong pag-aaral na ginawa sa Lawrence Berkeley National Laboratory.
Proteksyon Laban sa Third-Hand Smoke
Ayon sa mga researcher, hindi sapat na proteksyon laban sa third-hand smoke ang paninigarilyo sa labas lalo na’t kumakapit ito sa balat at damit. Ayon sa kanila, ang pagkakaroon ng smoke-free environments ang sagot laban sa third-hand smoke. Kabilang dito ang mga tahanan, opisina at mga pampublikong lugar.
Mga Kasalukuyang Pag-aaral
Sa kasalukuyan, may mga karagdagang pananaliksik na isinisagawa tungkol sa TSNA. Bahagi ng mga pag-aaral na ito ang alamin ang long-term stability ng TSNA at malalimang pagtuklas ng chemical formation nito. Gusto ring alamin ng mga researcher ang ibang kemikal na nabubuo sa chemical reaction ng third-hand smoke at nitrous acid bukod sa TSNA.
Sanggunian
- [1] (Hinango noong Abril 20, 2010)
- [2] (Hinango noong Abril 20, 2010)
- [3] (Hinango noong Abril 20, 2010)
- [4] (Hinango noong Abril 20, 2010)
- [5] (Hinango noong Abril 20, 2010)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |