The Mansion
Jump to navigation
Jump to search
Ang The Mansion—na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Lungsod Baguio—ay ang opisyal na tahanan ng Pangulo ng Filipinas kung siya ay pumupunta sa Lungsod Baguio o sa mga karatig na lugar dito.
Ang magarang mansiyon na ito ay ginagad sa Buckingham Palace sa Britanya.
Kasaysayan
Itinayo ito noong 1908, para sa mga gobernador heneral ng Amerika. Nawasak ito noong 1945 nang magkaroon ng sagupaan ang mga kawal ng mga Amerikano at mga kaalyadong bansa nito laban sa mga Hapon na kasalukuyang sumakop sa Filipinas. Noong 1947, dalawang taon makalipas ang digmaan, ipinaayos ito upang magamit ng pinakamataas ng opisyal ng Pamahalaan ng Filipinas.
Sanggunian
- The Mansion (hinango noong 1 Marso 2008).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |