Template:WikiDilawan intro

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang dilawan ay terminong may kinalaman sa politika at ginagamit na pantukoy sa mga taga-suporta ng Partido Liberal ng Pilipinas. Ang dilaw ang naging opisyal na kulay ng partido at naging makasaysayang kulay nang maganap ang Aklasang Bayan sa EDSA noong 1986. Ito rin ang naging opisyal na kulay ng kampanya at pamumuno nina dating Pangulong Corazon Aquino at Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa Urban Dictionary, ang salitang dilawan ay nangangahulugang politikal na kulay na sumisimbolo sa pamilya Aquino at ng Partido Liberal. Patungkol rin ito sa mga tagasuporta ng pamilya Aquino at ng partido.

Masasabing lubusang lumaganap ang terminong “dilawan” matapos ang Halalan 2016. Sa social media, nagkaroon ng tila hatian ng partido ang mga tagasuporta nina Pangalawang Pangulong Leni Robredo, na tinatawag na “dilawan,” at Pangulong Rodrigo Duterte, na tinatawag na “DDS” o “Duterte Diehard Supporters.”Madalas na magkaroon ng bangayan sa desisyon at opinyon sina Robredo at Duterte na nagiging sanhi rin ng palitan ng insulto at opinyon ng mga tagasuporta nila online.

Maging si Pangulong Duterte ay patuloy na ginagamit ang salitang “dilawan” upang tukuyin ang oposisyon at miyembro ng dati rin niyang partido, ang Partido Liberal. Sa isang ulat sa bayan para sa sitwasyon ng bansa sa panahon ng COVID-19 noong Setyembre 2020, sinabi ni Duterte na huwag maniwala sa mga dilawan na patuloy umano ang pagbatikos sa kanila.

Para sa karagdagang impormasyon: Dilawan