Template:Unang Pahina2

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search



Ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ay ang pambansang asosasyon ng mga institusyong pang-edukasyong Katoliko sa Pilipinas. Ang CEAP, na itinatag noong 1941, ay kasalukuyang may 1,525 kasaping paaralan at mahigit 120 super-intendente ng mga Katolikong paaralan sa bansa.


Protagonista

edit

Si Padre Florentino ay isa sa mahahalagang tauhan ng El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay isang anak-mayamang klerigo na napilitang magpari dahil sa pamimilit ng kaniyang ina at dahil na rin sa pagmamahal niya rito. Siya ay naging pari sa gulang na 25 ngunit nang maganap ang pagbitay sa tatlong pari (Gomburza) noong 1872, agad siyang nagretiro.

Taas-Noo Pilipino

edit


Si Heneral Miguel Malvar ay magiting na heneral na namuno sa sandatahang hukbo ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano at sa panahong ipinatapon si Heneral Emilio Aguinaldo sa Hong Kong. Siya ay tinaguriang kahuli-hulihang heneral na sumuko sa hukbo ng mga Amerikano.


Tatak Pinoy!

edit

Ang mainit na pagtanggap sa mga panauhin ay isang kilalang tradisyon sa Marinduque. Ito ay tinatawag na putungan. Ang putungan ay nagmula sa katutubong salita na putong o tubong, nangangahulugang “koronahan.” Literal na kinokoronahan ng mga Marinduqueño ang kanilang mga panauhin upang maipadama ang mainit na pagtanggap sa mga ito.


Tampok na Video

edit


Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Lungsod Bacolod, Negros Occidental tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa mga pinakamakukulay na pagdiriwang sa Pilipinas. Parada ng mga taong nakasuot ng makukulay na kasuotan at ng malalaki at nakangiting maskara ang pangunahing atraksiyon dito.

Pamahalaan at Mamamayan

edit

Ang encomienda ay isa sa mga makasaysayang sistema na ipinatupad ng mga Espanyol sa mga kolonya nito. Ito ay gantimpala ng Hari ng Espanya sa isang conquistador, sinumang pinunong Espanyol o sundalo, para sa kanilang mahaba at matapat na serbisyo. Ipinagkatiwala sa conquistador ang pamamahala sa isang malaking lupain at ang mga mamamayang naninirahan dito.

Alam mo ba...

edit

Ang insulares ay salitang Spanish na tumutukoy sa mga Espanyol na isinilang sa mga kolonya nito, tulad ng Pilipinas. Iba pa ito sa peninsulares na tumutukoy naman sa mga Espanyol na isinilang at lumaki sa Iberian Peninsula o Espanya. Sa labas ng Pilipinas, ang insulares ay tinatawag din ng mga Espanyol bilang criollos o creoles.

Talas Salita

edit

Idyoma

Batay sa pagpapakahulugan ng UP Diksiyonaryong Filipino, ang idyoma ay (1) wika sa isang bayan o nasyon, o wikang sinasalita ng nakararami; at (2) paraan ng pagsasalita na partikular sa isang pangkat o isang okasyon. Kabilang sa mga idyomang ito ang mga sawikain o kasabihang bukang-bibig ng nakararami.

Mga Epesyal na Pórtal

edit

Battlle and revolts.svg Aklas
Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
Fiesta Philippine Feasts.svg Pista
Piyesta Opisyal ng Pilipinas
Moda Philippine Fashion and Style.svg Moda
Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
Ph education.svg Edukasyon
Edukasyon sa Pilipinas
Philippine myths and legends.svg Panitikang Pilipino
Panitikan ng Pilipinas
Komiks The Philippine Komikopedia.svg Komiks
Mundo ng Komiks
Musika Original Pilipino Music.svg Musika
Original Pilipino Music
Ph online-travel-guide.svg Travel Guide
Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
Barangay-06.svg Mga Pambansang Pagkilala
Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
Kusina Unique Filipino Food.svg Kusina
Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
Ph Cinemapedia.svg Pelikula
Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
Encyclopedia-Filipina.svg Kababaihang Pilipino
Mabuhay ang mga Eba!
Philippine Childrens litreture.svg Chikiting
Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
Laro Traditional Philippine Games.svg Laro
Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
Ph joserizal-encyclo.svg Rizaliana
Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
Ph-memorabilia.svg Nostalhiya
Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
Etniko Philippine Ethnic Groups.svg Etniko
Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
Libro Filipiniana Books Collection.svg Libro
Bakit hindi mo subukang basahin ito?
Ph TV series.svg Teleserye
Mga teleseryeng Pilipino!
Ph flora-fauna.svg Flora at Fauna
Flora at Fauna ng Pilipinas