Template:TampoknaLathalain/WikiDilawan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (Pebrero 8, 1960 – Hunyo 24, 2021) o mas kilala bilang Noynoy at PNoy, ay isang Pilipinong politiko na nagsilbi bilang ika- 15 Pangulo ng Pilipinas. Nanungkulan siya mula 2010 hanggang 2016. Naging bahagi rin siya ng Kongreso at Senado.

Kabilang si Noynoy Aquino sa Pamilya Aquino, kilala bilang mga politiko at pamilyang sumisimbolo ng demokrasya sa Pilipinas. Nang yumao ang kaniyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino, inanunsiyo nan noon ay senador na si Noynoy ang kaniyang kandidatura sa pagkapangulo at nanalo kalaunan, kapalit ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Noong 30 Hunyo 2010, pormal na nanumpa si Aquino bilang bangulo ng bansa. Tinawag din siyang PNoy ng mga taga-media at ng kaniyang mga tagasuporta. Isa sa mga unang ipinatupad ni Aquino ay ang pagbuo ng truth commission na nanguna sa imbestigasyon sa mga naganap na korupsiyon sa administrasyon ni Arroyo. Inilunsad ni Aquino ang kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) noong 26 Hulyo 2010 sa Batasang Pambansa, Lungsod Quezon.

Sa kaniyang pag-upo bilang pangulo, nakitaan ng pag- angat ang ekonomiya ng bansa at tinagurian ang Pilipinas bilang “Rising Tiger.” Nanindigan din si Aquino at ang kaniyang administrasyon laban sa China dahil sa pinag-aagawang West Philippine Sea at napanalunan ang desisyon sa inihaing arbitration case.

Napasama rin si Aquino bilang isa sa 100 Most Influentia People in the World ng Time Magazine. Noong 24 Hunyo 2021, binawian ng buhay si Aquino matapos ang renal failure dahil sa komplikasyon sa diabetes.

Para sa karagdagang impormasyon: Benigno Simeon Aquino III