Template:TampoknaArtikulo/Quincentenario

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ngayong 2021, ipinagdiriwang ang “Quincentennial Commemoration in the Philippines” kung saan ginugunita ang ilan sa mahahalagang pangyayari noong 1521. Ito ay pinapangasiwaan ng National Quincentennial Committee (NQC, na nilikha sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 55, s. 2018.) Ilan sa mga pangunahing pagdaraos ay ang ika-500 anibersaryo ng pagtatagumpay sa Labanan sa Mactan at ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa unang sirkumnabegasyon ng mundo. Pinangungunahan naman ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP o Kapulungan ng mga Katolikong Obispo sa Pilipinas) ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Láyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103, (s. 2020) na ipagbunyi ang unang paglalakbay sa palibot ng mundo na nakasentro sa pananaw ng mga Pilipino; ang kabutihang-loob ng mga katutubong Pilipino na tumulong sa manlalayag na si Ferdinand Magellan at mga tauhan nito; at ang kagitingan ng mga mandirigma ng Mactan na nagsilbing inspirasyon sa mga bayani at mga martir na nagsakripisyo upang maitatag ang isang malayang Pilipinas.

Basahin pa...