Tampok na Artikulo1

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Quiapo



Ang Quiapo, na noon ay isang mahirap na baryo, ay isa ngayong maunlad at popular na distrito ng Maynila. Dito matatagpuan ang Basilika Minor ng Itim na Nazareno, mas kilala sa tawag na Simbahan ng Quiapo. Ang Quiapo ay nagmula sa pangalang “kiyapo,” isang halamang saganang tumutubo noon sa Ilog Pasig na nahahawig sa water lily. Pangingisda ang pangunahing kabuhayan dito bago dumating ang mga Espanyol.