Template:Makatwirang Pagpapaliwanag-Teleserye

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Soap Opera, Teleserye, Telenovela—magkakapareho lamang ang mga salitang ito, at nabuo dahil sa maraming taon ng pamamayagpag nito sa telebisyon. Ang Teleserye ay pinagsamang mga salitang “tele” na mula sa telebisyon, at “serye.” Nagsimula ito sa serye noong 1960s na “Hiwaga sa Bahay na Bato” hanggang sa kasalukuyang mga drama na ipinalalabas sa hapon at gabi. Maliban sa mga lokal at orihinal na istorya na isinulat ng mga Pilipino, may mga teleserye rin na hinango mula sa ibang bansa, tulad ng sikat na sikat na drama noon na “Mari Mar” na pinagbidahan ni Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Malayo na nga ang narating ng mga teleserye at patuloy itong nakikipagsabayan sa mga serye na ipinalalabas sa mga online platform. Naniniwala ang WikiFilipino na kahit ano pa man ang iyong edad, paniguradong may yugto sa iyong buhay na nakapanood ka ng teleserye. Sa dami na nga ng mga naipalabas na teleserye sa bansa, isang hamon na lumikha ng isang portada kung saan makokolekta ang mga teleserye mula noon hanggang sa kasalukuyan. Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa lumalaking komunidad ng WikiFilipino. Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.