Template:Makatwirang Pagpapaliwanag-Pelikula

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Tulad ng isang magandang panoorin, ang Pelikulang Pilipino ay may magandang panimula at kasaysayan. Bilang kolonya ng Espanya at Amerika, nailantad sa Pilipinas ang maraming pagbabago sa kultura at lipunan. Ang pagdating ng “moving picture” sa Pilipinas noong 1897 ay nagpahanga sa maraming mga Pilipino noon. Marami ang nagkainteres dito hanggang sa tuluyan nang nakagawa ng pelikula ang mga Pilipino. Ilan sa mga unang pelikula na nalikha sa Asya ay nagmula sa Pilipinas. Sa pagsibol nito, nakipagsabayan ang mga lokal na pelikula sa mga gawa ng banyaga. Nalikha rin ang iba’t ibang genre ng pelikula at marami sa mga Pilipino ay pinasok na rin ang indie film-making. Sa mga parangal at pagkilala na nakamit ng mga Pilipino sa larangan ng paggawa ng pelikula, hindi maikakailang kaya na ng mga Pilipino na makipagsabayan sa mga mahuhusay na prodyuser ng pelikula sa buong mundo.

May sariling kuwento ang industriya ng pelikula na nararapat na ibahagi. Ang portadang ito ay nakasentro lamang sa mga pelikula na nalikha ng mga Pilipino. Inaanyayahan ang bawa’t isa na sumulat at makibahagi sa pagpapayaman ng nilalaman ng portada na ito. Tinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiPilipinas.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.