Teddy Baguilat

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si TeodoroTeddy” Brawner Baguilat Jr. (isinilang noong 30 Hulyo 1966) ay isang Pilipinong politiko, peryodista, aktibista, at tagasulong ng mga karapatan ng mga katutubo.

Si Baguilat ay kasapi ng tribung Tuwali sa Ifugao at ng tribung Gaddang sa Nueva Vizcaya. Siya ay pangulo ng Global Consortium for Indigenous and Community Conserved Areas (ICCA Consortium), at tagapayo sa United Nations Convention on Biological Diversity. Siya rin ang pangalawang pangulo sa ugnayang panlabas ng Partido Liberal ng Pilipinas.

Siya ay dating gobernador at kongresista sa Ifugao.

Siya ay kumakandidato sa pagkasenador sa Halalan 2022 sa ilalim ni Leni Robredo. Gayunman, inendorso rin siya ng 1Sambayanan at ng partido ni Leody de Guzman.

Sanggunian

Jairo Bolledo. “Teddy Baguilat is 12th member of Leody de Guzman’s Senate slate.” Rappler, 19 Pebrero 2022. https://www.rappler.com/nation/elections/teddy-baguilat-senatorial-candidate-leody-de-guzman-senate-slate/ . Accessed 28 Pebrero 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.