Teacher's Camp

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Teacher's Camp na matatagpuan sa silangang bahagi ng Lungsod Baguio, na isang pasilidad na itinayo para sa pagsasanay ng mga guro sa buong Filipinas. Sa Loob ng kampus na ito may mga silid-aralan, kainan, bulwagang pang asemblea, at iba't ibang pasilidad na maaring makatulong sa mga nagsasanay na guro. May mga pasilidad na maaring gamitin ng mga atleta.

Ang Teacher's Camp ay itinayo noong 1908, upang maging bahay bakasyuhan ng mga guro, na si Gobernador William Pack ang gumawa at nagplano ng disenyo ng pasilidad na ito. Noong, 8 Enero 1908 sinimulan ang proyekto, at noong 6 Abril 1908, binuksan ito. Mga tolda muna ang unang naging silid-aralan at iba pang pasilidad nito , at nang makalipas ang ilang taon unti-unting nagtayo ng mga kongkretong pasilidad, nang makalikom ng karagdagang pondo.

Noong 1912, nagtayo ng tirahan para sa kalihim at mga katuwang nito. At nang mga sumunod na taon itinayo na ang Benitez Hall, Ladies Hall, Teacher's Hall, Tavera Hall, at ang White Hall.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Teacher's Camp Teacher's Camp Teacher's Camp Teacher's Camp