Tatsing

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Isa sa mga kinawiwilihang larong Filipino ay ang tatsing. Ang katawagang ito ay hiniram sa salitang Ingles na “touching.” Layunin ng bawat manlalaro nito na makakuha ng pinakamaraming tansán mula sa iginuhit na hugis kwadrado sa lupa gamit ang kani-kaniyang pamato (bato). Ang larong ito ay nangangailangan ng galing sa pagtantiya upang mailabas ang mga tansán nang hindi maiiwan ang pamato sa loob ng iginuhit na kwadrado. Maliban sa tansán, gumagamit din ang ibang mga manlalaro ng tsapà (lead washers) o kaya naman ay barya. Sa paggamit ng mga ito, nagiging higit na mahirap ang laro.

Sanggunian

  • Lopez, Mellie Leandicho. "A Study of Philippine Games." Maynila: University of the Philippines Press, 2001.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Luksong Tinik Luksong Tinik