Tarhata Alonto-Lucman

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Tarhata Alonto-Lucman.

Si Princess Tarhata Alonto-Lucman (26 Hunyo 1926-26 Pebrero 2021) ay isang Pilipinong politika na bahagi ng grupong Maranao, isa sa mga pangunahing etno-linggwistikong grupong Muslim sa Pilipinas. Si Lucman ang unang babaeng naging gobernador ng Lanao del Sur.

Ipinanganak si Alonto noong ika-26 ng Hunyo 1926 sa isang maharlikang pamilyang Maranao. Anak siya ni Sultan Alauya Alonto, na isang dating senador. Napangasawa ni Alonto si Rashid Lucman na isa ring politiko at dating gobernador ng Lanao del Sur, na katulad ni Alonto, ay tumutol rin sa diktadurya ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Bukod sa kaniyang ama, naging senador din ang kapatid ni Alonto-Lucman na si Domocao Alonto. Bago mahalal na gobernador noong 1971, kilala si Alonto-Lucman sa tawag na "Babu Tata" at kilala sa pagresolba ng mga away sa pagitan ng mga angkan at mga indibidwal sa kanilang lugar.

Bilang gobernador ng Lanao del Sur, isa siya sa mga tumutol sa diktaduryang Marcos. Dahil dito, tinanggal siya sa posisyon at ipinatapon siya at ang kaniyang pamilya sa Saudi Arabia noong 1975. Bumalik siya sa Pilipinas matapos matanggal sa posisyon si Marcos.

Pumanaw si Alonto-Lucman noong ika-26 ng Pebrero 2021.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.