Tangway ng Iberia

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Ang Tangway ng Iberia (luntian) sa loob Europa.

Ang Tangway ng Iberia (Ingles: Iberian Peninsula) kilala rin bilang Iberia ay matatagpuan sa pinakatimog-kanlurang dako ng Europa at kinalalagyan ng mga bansang Portugal, Espanya, Andorra, Teritoryong Britaniko ng Gibraltar at ng isang maliit na kapiraso ng Pransiya. Ang timog nito ay halos kadikit ng hilagang baybay ng kontinente ng Aprika, pinaghihiwalay lamang ng Kipot ng Gibraltar. Tinatayang may sukat itong 583,254 square kilometre (225,196 mi kuw),[1] at may tinatatayang may 53 milyong populasyon,[2] ang ikalawang pinakamalaking tangway sa Europa ayon sa sukat, kasunod ng Tangway ng Escandinava.

Ang katagang Iberia ay mula sa itinawag ng mga sinaunang Griyego sa tangway na ito (Ιβηρία).

Mga pangunahing kasalukuyang bansang nakapaloob

Satellite image ng Iberia sa gabi

Ang kasalukuyang pagkakahating politikal ng Tangway ng Iberia ay binubuo ng kalakhan ng Espanya, at Portugal, ang kabuuan ng mikroestado ng Andorra, maliit na bahagi ng departamento ng Pyrénées-Orientales (Alta Cerdaña) at ng Teritoryong Britaniko ng Gibraltar.

Nasa timog na bahagi ng Bulubundukin ng Pyrenees ang Alta Cerdaña, na tumatakbo sa kabuuan ng hangganan sa pagitan ng Espanya at Pransiya. [3][4][5] Ang bulubundukin ng Pyrenees ay kadalasang itinuturing hilagang silangang hangganan ng Tangway ng Iberia.

Pagkakahating politikal ng Tangway ng Iberia:

Bansa o Teritoryo Kabisera Sukat Populasyon
[6][7]
% area
Andorra Andorra la Vella 468 km2

(181 mi kuw)

84,082 0.1
Pransiya Paris 539 km2

(208 mi kuw)

12,035 0.1
Gibraltar
(Teritoryong Britaniko)
7 km2

(2.7 mi kuw)

29,431 0.0
Portugal Lisbon 89,015 km2

(34,369 mi kuw)

10,047,083 15.3
Espanya Madrid 492,175 km2

(190,030 mi kuw)

43,731,572 84.5


Sanggunian

  1. Lorenzo-Lacruz et al., p. 2582.
  2. Triviño, María; Kujala, Heini; Araújo, Miguel B.; Cabeza, Mar (2018). "Planning for the future: identifying conservation priority areas for Iberian birds under climate change". Landscape Ecology. 33 (4): 659–673. doi:10.1007/s10980-018-0626-z. hdl:10138/309558. ISSN 0921-2973.
  3. Sahlins 1989, p. 49.
  4. Paul Wilstach (1931). Along the Pyrenees. Robert M. McBride Company. 
  5. James Erskine Murray (1837). A Summer in the Pyrenees. J. Macrone. 
  6. Census data , "Official Spanish census"
  7. Census data , "Portuguese census department"