Talumpati para kina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Brindis ay isang talumpati ni Jose Rizal na kaniyang binigkas noong 1884 para sa mga kapwa Filipino na pintor na sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo bilang pagpupugay sa kanilang tagumpay sa larangan ng sining.

Ginawaran ng parangal sina Luna at hidalgo sa National Exposition of Fine Arts sa Madrid noong 1884, at binigkas ni Rizal ang kaniyang talumpating "The Brindis" para sa dalawa. Natanggap ni Luna ang unang premyo para sa kaniyang obrang "El Spoliarium" habang nakuha naman ni Hidalgo ang ikalawang premyo para sa kaniyang obrang "Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho."

Aabot sa 60 tao ang dumalo sa pagdiriwang, at karamihan sa kanila ay mga kaibigan ng dalawang pintor. Ginanap ang pagdiriwang sa Restaurante Ingles.

Sa kaniyang talumpati, ipinaliwanag ni Rizal ang dahilan ng kanilang pagtitipon. Pinuri niya ang dalawang pintor sa kanilang pagbibigay liwanag sa isang madilim na lipunan katulad ng nasa obra ni Luna.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.