Talisay, Cebu

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lungsod ng Talisay ay matatagpuan sa lalawigang Cebu ng Pilipinas sa Gitnang Visayas. Itinatag ang estado ng Talisay noong 1648 sa pagmamay-ari ng mga paring Augustino. Naging munisipyo ang bayan noong 1849 kung saan tumayo si Ginoong Silverio Fernandez bilang gobernadorcillo at si Ginoong Pedro Labuca ang Kapitan. Nagmula ang pangalan ng lungsod sa mga puno ng Magtalisay na marami sa lugar na iyon. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,naging sentro ng paghihimagsik ng mga guerilla ang Talisay sa Cebu. Nilisan ng mga mananakop na Hapones ang bayan ng Talisay noong Marso 28, 1945 at itinatag itong araw ng pagdiriwang. Sa taong 2000, hinirang na lungsod ang Talisay.

Ayon sa senso ng 2015, ito ay may populasyon na 227,645 sa may 49,871 na kabahayan.

Mga Barangay

Ang Lungsod ng Talisay ay nahahati sa 22 mga barangay.

  • Biasong
  • Bulacao
  • Cadulawan
  • Camp IV
  • Cansojong
  • Dumlog
  • Jaclupan
  • Lagtang
  • Lawaan I
  • Lawaan II
  • Lawaan III
  • Linao
  • Maghaway
  • Manipis
  • Mohon
  • Poblacion
  • Pooc
  • San Isidro
  • San Roque
  • Tabunok
  • Tangke
  • Tapul

Demograpiko

Senso ng populasyon ng

Talisay

Taon Pop. ±% p.a.
1903 13,636 —    
1918 15,302 +0.77%
1939 20,077 +1.30%
1948 22,442 +1.25%
1960 31,097 +2.76%
1970 47,787 +4.38%
1975 55,738 +3.13%
1980 69,720 +4.58%
1990 97,955 +3.46%
1995 120,292 +3.92%
2000 148,110 +4.56%
2007 179,359 +2.68%
2010 200,772 +4.19%
2015 227,645 +2.42%
Sanggunian: PSA

Panlabas na kawing

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Talisay, Cebu. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.