Taj Mahal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Taj Mahal ay isa sa pinakakilalang pook-pasyalan sa India. Ito ay ipinatayo ni Shah Jahan, isang emperador na Mughal, noong 1631 bilang tanda ng kaniyang pagmamahal sa namayapang asawa. Ito ay kinikilala bilang UNESCO World heritage Site at naging bahagi rin ng Seven Wonders of the World.

Mawsoleo

Ang Taj Mahal ay isang mawsoleo na gawa sa puting marmol. Matatagpuan dito ang puntod ng mag-asawang Shah Jahan at Mumtaz Mahal. Ang buong complex ay may sukat na 17 ektarya kung saan makikita ang isang moske at guest house. Tinatayang 32 milyong rupee (katumbas ng 70 bilyong rupee o 956 milyong dolyar sa kasalukuyan) ang nagastos dito.

Inspirasyon

Si Shah Jahan ang panlimang emperador ng Mughal. Namatay ang kaniyang pangatlong asawa na si Mumtaz Mahal, isang prinsesang Muslim Persian, habang sila ay nasa Burhanpur. Kapapanganak lang ng kaniyang asawa noon sa kanilang ikalabing-tatlong anak. Labis na ikinalungkot ng emperador ang pagkamatay ng asawa.

Bago ito namatay, nangako si Shah Jahan sa asawa na (1) ipatatayo ang Taj, (2) mag-aasawa siyang muli, (3) magiging mabait siya sa kanilang mga anak, at (4) bibisitahin niya ang puntod ng asawa taon-taon. Ngunit hindi natupad ng emperador ang huling pangako dahil siya ay nagkasakit at ikinulong ng anak sa bahay.

Ipinatayo niya ang Taj Mahal upang maging simbolo ng kabanalan, armonya, pagiging dalisay, at pagiging espiritwal.

Mga Arkitekto at Artesano

Ismail Afandi (aka Ismail Khan) ng Ottoman Empire Nagdisenyo ng pangunahing simboryo
Ustad Isa at Isa Muhammad Effendi ng Persia May mahalagang papel sa disenyo ng arkitektura
'Puru' mula sa Benarus, Persia Supervising architect
Qazim Khan mula sa Lahore Nagmolde ng Gold Finial
Chiranjilal mula sa Delhi Pangunahing manlililok at gumawa ng mosaiko
Amanat Khan mula sa Shiraz, Iran Pangunahing kaligrapo

Itim na Taj

Nais magpatayo ni Shah Jahan ng itim na Taj kung saan niya planong ilagay ang kaniyang magiging puntod. Ngunit hindi ito natuloy dahil sa naging alitan nila ng kaniyang mga anak. Ikinulong siya ng mga ito sa bahay sa loob ng walong taon. Nang siya ay namatay, inilibing ang kaniyang katawan sa tabi ng puntod ng asawa.

Pagkilala

Ang Taj Mahal ay kinilala bilang UNESCO World heritage Site noong 1983 dahil sa pagiging isang hiyas ng sining ng mga Muslim at isa sa hinahangaang obra maestra sa mundo. Ito ay itinuturing na pinakamagandang halimbawa ng arkitekturang Mughal at simbolo ng mayamang kasaysayan ng India. Naging bahagi ito ng Seven Wonders of the World mula 2000 hanggang 2007.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.