Taguan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang taguan ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas. Hango ito sa ingles na Hide and Seek - isang laro na kung saan ang mga manlalaro ay magtatago at ang taya ang siyang maghahanap.

Paglalaro

Pipili ng taya ang mga manlalaro at pipili din ng lugar ng pagbibilingan - ito ay maaring poste, haligi o puno . Gamit ang "maiba taya" o "maiba alis" na panuntunan. Magtatalaga ng ng numero na bibilangin ang mga manlalaro. Maaring nilang gamitin ang sistema ng pamimili ng daliri. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtalikod ng taya. Kakalabitin ng isang manlalaro ang ulo ng taya gamit ang isang daliri, at pagkatapos huhulaan ng taya kung anong daliri ang ginamit ng manlalaro sa pangangalabit. Kung mahulaan ng manlalaro ang bibilangin niya ay sampu lamang, kung hindi naman ay manghuhula pa din siya at paghindi na nahulaan tataas ang bibilangin niya ng hanggan limampu.

Pupunta sa nakatalagang pagbibilangan ang taya at bibilang. Magtatago ang mga manlalaro at pagkatapos bumilang ay isa-isa ng hahanapin ng taya ang mga ito. Ang unang makikita ang siyang susunod na taya. Kailangan bantayan ng taya ang lugar na pinagbilangan kasi maari siyang maging taya ulit pagnaka-save ang ibang manlalaro.

Ang "save" ay ang pagtapik ng mga kamay ng manlalaro sa lugar na pinagbilangan.

Ibang Bersyon

May iba't ibang bersyon ang taguan. Mayroong tinatawag na "Bangsak." Halos magkasintulad ang dalawa, ang pinagkaiba lang ang bangsak ay hindi na kailangan mag-save ng mga manlalaro.

  • Pinagmulan

Ang bangsak ay nagmula sa mga salitang "bang" na terminong ginagamit sa pagtukoy sa tunog ng isang baril at ang "sak" naman ay galing sa salitang "saksak."

  • Panuntunan ng Bangsak

Pagnakita ng taya ang nakatagong manlalaro, kailangan niyang banggitin ang katagang "bang" at ang pangalan ng kanyang nakita. Paghindi niya nabanggit ang pangalan o hindi nagkamali ng pagbanggit ay mauulit ang laro at ang taya ay magiging taya pa din. Kung mabilis ang mga manlalaro masasaksak niya ang taya. Ang pagsaksak ay sa pamamagitan ng pindot ng mga daliri sa kahit anong bahagi ng katawan ng taya. Pagnasaksak ang taya ay magtatago muli ang mga manlalaro at magbibilang ulit ang taya.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.