Tabungaw

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Sa Ilokano, ang tabungaw ay salakot na gawa sa pinatuyong kalabasa. [1] Tabungaw rin ang tawag ng mga Ilokano sa úpo (gulay). Sa mga gumagawa ng tabungaw sa Hilagang Luzon, natatangi ang husay ni Teofilo Garcia. Una na rito ay ang paggamit niya ng isang uri ng upo na malaki at pabilog bilang pinakakatawan ng kaniyang salakot. [2]

Likhang-kamay ang lahat ng bahagi ng tabungaw. Ang ibabaw na kalahati ng upo ang ginagamit ni Mang Teofilo sa paggawa nito. Naglalala naman siya ng mga hibla ng yantok bilang panloob ng tabungaw.[2]

Manlilikha ng Bayan

Noong 2012, ginawaran si Mang Teofilo ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA). Ang GAMABA ay parangal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na ibinibigay sa mga natatanging Pilipino na nagpamalas ng husay at pagpapahalaga sa katutubong sining at kultura. Si Mang Teofilo ay isinilang noong Marso 21, 1941 at naninirahan sa San Quintin, Abra. [2]

Mga Sanggunian

  1. “Tabungaw.” Diksiyonaryo.ph, http://diksiyonaryo.ph/search/tabungaw. Accessed 26 Abril 2021.
  2. 2.0 2.1 2.2 Maricris Jan Tobias. “National Living Treasures: Teofilo Garcia.” NCCA, Mayo 5, 2015. https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/gamaba/national-living-treasures-teofilo-garcia/. Accessed 26 Abril 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.