Tabaco

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lungsod ng Tabako (R.A. 09020) ay isang ika-apat na klaseng lungsod sa lalawigan ng Albay, Pilipinas. Ang lungsod ay naghahangganan sa mga bayan ng Malinao sa hilaga, Polangui at Oas sa kanluran, Lungsod ng Ligao sa timog kanluran, ang Bulkang Mayon sa timog, Malilipot sa timog silangan, at ang Golpo ng Lagonoy sa silangan.

Ayon sa senso ng 2015, ito ay may populasyon na 133,868 sa may 27,533 na kabahayan.

Ekonomiya

Dating naging sentro ng ekonomiya ng lalawigan ang lungsod. Ang ekonomiya ng lungsod ay nanatili pa ring nakasalalay sa agrikultura. Ang mga pangunahing ani ay bigas, mais,mga bungang kahoy, gulay, niyog at abacá. Ang iba pang pangunahing industriya ay ang pandayan ng tabak, kagamitang bakal, kutsilyo at mga katulad nito, ang pag-aalaga ng baboy at ang pangingisda. Ang pier ng Tabaco ay itinuturing na isa sa pinakamalaking pier sa buong bansa at nakakatulong din ito sa paglago ng ekonomiya ng lungsod dahil sa mga barkong galing ibang bansa ang pumapalaot din sa pier ng lungsod na ito.

Mga barangay

Ang Lungsod ng Tabako ay nahahati sa 48 mga barangay.

  • Agnas (San Miguel Island)
  • Bacolod
  • Bangkilingan
  • Bantayan
  • Baranghawon
  • Basagan
  • Basud (Pob.)
  • Bogñabong
  • Bombon (Pob.)
  • Bonot
  • San Isidro
  • Buang
  • Buhian
  • Cabagñan
  • Cobo
  • Comon
  • Cormidal
  • Divino Rostro (Pob.)
  • Fatima
  • Guinobat
  • Hacienda (San Miguel Island)
  • Magapo
  • Malictay (San Miguel Island)
  • Mariroc
  • Matagbac
  • Oras
  • Oson
  • Panal
  • Pawa
  • Pinagbobong
  • Quinale Cabasan (Pob.)
  • Quinastillojan
  • Rawis (San Miguel Island)
  • Sagurong (San Miguel Island)
  • Salvacion
  • San Antonio
  • San Carlos
  • San Juan (Pob.)
  • San Lorenzo
  • San Ramon
  • San Roque
  • San Vicente
  • Santo Cristo (Pob.)
  • Sua-Igot
  • Tabiguian
  • Tagas
  • Tayhi (Pob.)
  • Visita (San Miguel Island)

Turismo

Kamakailan lamang ay sinimulan ng lungsod ang taunang 'Tabak Festival' bilang pag-alala sa pagkaka-lungsod ng Tabako noong 24 Marso 2001.

Demograpiko

Senso ng populasyon ng

Tabaco

Taon Pop. ±% p.a.
1903 21,946 —    
1918 24,812 +0.82%
1939 29,957 +0.90%
1948 33,209 +1.15%
1960 46,416 +2.83%
1970 60,572 +2.69%
1975 65,254 +1.50%
1980 72,634 +2.17%
1990 85,697 +1.67%
1995 96,993 +2.35%
2000 107,166 +2.16%
2007 123,513 +1.98%
2010 125,083 +0.46%
2015 133,868 +1.30%
Sanggunian: PSA

Mga kawing panlabas

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Tabaco. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.