Suzanne Jacoby

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Suzanne Jacoby ay isa sa mga babaeng nagkaroon ng ugnayan kay Jose Rizal. Noong 1890, lumipat si Rizal sa Brussels mula sa Paris. Dito niya nakilala si Suzanne. Tumira si Rizal sa boarding house ng mgakakapatid na Jacoby. Hindi nagtagal at nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Ngunit umalis si Rizal sa Brussels para ipagpatuloy ang kaniyang paglalakbay.

Nagpatuloy rin umano si Suzanne sa pagpapadala ng sulat kay Rizal sa pag-asang babalikan siya nito.

Mga Sanggunian

"All the Girls Rizal Loved Before" ABS-CBN News Channel (Accessed on 25 March 2021)

Jose Rizal Romantiko (Accessed on 25 March 2021)