Susan Roces

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa tawag na Susan Roces ay isang Pilipinang aktres at kilala bilang “Queen of Philippine Movies” at "First Lady of Philippine Cinema".

Karera

Nagsimula ang karera ni Roces bilang artista sa edad na 10 anyos para sa pelikulang Mga Bituin Ng Kinabukasan ng Nepomuceno Productions noong taong 1952 kung saan kasama niya sina Ike Lozada at Mila Ocampo bilang mga ipinakikilalang mga child stars. Ito ay sa direksiyon ng kinikilalang "Father of Philippine Movies" na si Jose Nepomuceno. Makaraan ang ilang buwan ay huminto sa paggawa ng mga pelikula si Roces upang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaaral.

Si Bb. Roces ay muling na-discover sa bakuran ng Sampaguita Pictures ni Dr. Jose Perez noong taong 1956. Batay sa mga artikulong naisulat na at sa mga interviews kay Bb. Roces, isang araw ng summer vacation, sumama ito sa kanyang tiyuhin na noon ay nagtatrabaho sa naturang studio upang manood ng shooting ng isang Gloria Romero movie. Bilang isang tagahanga ng aktres at isang tipikal na teen-ager, excited na sumama si Bb. Roces sa tiyuhin. Wala itong kaalam-alam na sa araw na iyon ay simula na ng pagbabago sa kanyang buhay. Isang lalaking may bigote ang lumapit sa kanya at tinanong siya kung gusto niyang mag-artista. Sa umpisa ay inakala niyang isa lamang itong isa sa mga character actors subalit ng sabihin sa kanya na iyon ay si Dr. Perez, ang producer ng Sampaguita Pictures, ay sumang-ayon siya sa inaalok nito. Pinabalik siya kinabukasan upang bigyan ng screen test. Isang Aring Bautista na nagtatrabaho din doon ang nagsabing sa ibang studio na lang siya mag-apply dahil marami na raw mga bagong artista ang nasa Sampaguita Pictures at sa ibang studio raw gaya ng LVN Pictures ay may pagkakataon pa siyang sumikat. Subalit ng makita siya ni direktor Mar S. Torres, tinanong siya kung siya ba ang bibigyan ng screen test. At noong araw ding yun, isinama na siya sa location shooting ng isang pelikulang kung saan gumanap siya ng isang rape victim ni Martin Marfil. Dahil sa makatotohanan daw ang pagsigaw niya sa eksena, (na siya naman daw totoo dahil "talagang natakot ako kay Mang Martin"), ay nakapasa siya sa screen test.

Dahil sa may mata talaga sa paghubog ng isang bituin si Dr. Perez, itinuring niyang isang diyamante si Bb.Roces na sa patuloy na paghasa ay kikislap ang isang maningning na bituin. Sa una niyang pelikula, ang "Boksingera Daw", kaagad siyang bida at title roler pa, katambal si Luis Gonzales at kasama rin sina Dolphy at Panchito. Ang pelikulang ito ay dapat kay Alicia Vergel subalit dahilan sa nagtapos na ang kontrata ni Alicia Vergel sa Sampaguita Pictures, kay Susan Roces napunta ang pelikula. Subalit, nagpasiya ang mga namumuno sa Sampaguita Pictures na hindi pa gaanong kilala si Bb.Roces ng publiko at kailangan muna itong ipakilala sa madla. Isinama siya sa pelikula ni Gloria Romero at Ric Rodrigo sa "Miss Tilapia" kung saan ipinakilala sila ni Romeo Vasquez bilang mga second lead stars.

Doon nagsimula ang kinang ng bituin ni Bb. Roces. Sunud-sunod na mga pelikula ang ginawa niya sa taong 1956 hanggang 1959 katambal sina Jose Mari, Romeo Vasquez, Eddie Gutierrez, Lito Legaspi, Tito Galla,Eddie Arenas, atbp.at kung saan karamihan ay kasama rin niya ang mga malalaking bituin ng Sampaguita Pictures tulad nina Gloria Romero, Lolita Rodriguez, Paraluman, Rogelio de la Rosa, Dolphy. Simula taong 1960 hanggang 1965 sa bakuran ng Sampaguita, ang mga nilabasan niyang pelikula ay mga hits sa takilya gaya ng "Susanang Daldal", "Susanang Twist", "Susan, Susay, Susie", "Ang Magkakapitbahay", "Ang Maganda Kong Kapitbahay", "Eddie Loves Susie", "Portrait of My Love", at dito rin namuo ang rivalry nila ni Amalia Fuentes, ang itinuturing na katapat niya sa pagka-Reyna ng mga panahong iyon, mga box office hits na pelikulang pinagsamahan nila gaya ng "Tulisan", "Amaliang Mali-Mali vs. Susanang Daldal", "Madaling Araw", "The Big Broadcast", at iba pa. Hindi mapasusubalian na sa dekada 60, ang mga pelikula ni Bb. Roces ang nangunguna sa takilya kaya siya ang itinuturing na Reyna ng Takilya sa dekada '60 at ilang beses siyang naputungan ng korona bilang Reyna Ng Pelikulang Pilipino sa taong 1963, 1965 at 1966,at Miss Show Business 1967.

Taong 1965 ng lumisan ng Sampaguita Pictures si Bb. Roces upang mag-freelancer. Una niyang tinanggap ang pelikulang alok ng FPJ Productions, "Ang Daigdig Ko'y Ikaw". Dito nagsimula ang romansang Fernando Poe, Jr. at Susan Roces. Bilang isang freelancer, kabi-kabila ang alok sa kanya ng mga malalaking studio at independent film outfits para gumawa sa kanila ng pelikula si Bb. Roces. Kabilang sa mga tumabo sa takilya ang "Maruja", "Bayan Ko, Lumaban Ka" ng Lea Productions, "Kaming Taga-Ilog","Buhay Artista", "Sitsiritsit Alibangbang" ng RVQ Productions, "Pilipinas Kong Mahal", "Zamboanga", "Divina Gracia", "Perlas Ng Silangan" ng FPJ Productions, at marami pang ibang pelikulang tumabo sa takilya.

Unang na-nominado si Bb. Roces bilang pinakamahusay na Aktres sa FAMAS noong 1965 sa pelikulang "Ana-Roberta". Sinundan pa ito maraming nominasyon sa FAMAS gaya ng "Maruja" noong taong 1967 "Divina Gracia" noong taong 1971, "Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara" ng taong 1974 at marami pang ibang nominasyon. At noong taong 1977, kinilala si Bb. Roces ng Pinakamahusay na Akres Ng FAMAS sa pelikulang "Maligno" at sinundan ito noong 1978 sa pelikulang "Gumising Ka, Maruja".

Ikinasal siya sa Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. noong Disyembre 25, 1969 sa isang marangyang kasalan sa Greenhills, Mandaluyong City (Sakop pa ng Mandaluyong ang Greenhills noong panahong iyon). Ang pagsasamang FPJ-Susan Roces ang isa sa mga bibihira na nagtagal sa mga artistang nagsipag-asawa ng kapwa artista, kaya sila ang itinuturing na modelo ng Philippine Show Business.

Hindi akalain ng mga tagahanga ni Bb. Roces, maging siya man, na isang araw ay mapapasok sa magulong mundo ng pulitika ang kanyang asawa. Dahilan sa mga katiwalian at kawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa mga namamahala sa gobyerno, isang Fernando Poe, Jr. ang nakitaan nila ng Bagong Umaga. Isang Bagong Pag-asa para sa mamamayang Pilipino. Isinulong nila ang kandidatura ni Fernando Poe, Jr. bilang bagong Presidente ng Pilipinas noong 2004. Natalo si FPJ ni Gloria Macapagal-Arroyo sa panguluhan, subalit ang alingawngaw ng pandaraya ay hindi naitago. Ipinaglaban ni FPJ ang panguluhan sa Presidential Electoral Tribunal sa Supreme Court, subalit binawian ito ng buhay noong taong 2005 bago pa man maresolba ang kaso. Ipinagpatuloy ni Bb. Roces ang laban hanggang sa lumitaw ang maraming ebidensiya ng pandaraya na nagsimula sa "Hello Garci" tape na umano'y pagtawag ni Gng. Arroyo sa isang commissioner ng Comelec habang nagkakaroon pa ng bilangan. Ipinapalagay na ito'y pag-impluwensiya sa kalalabasan ng resulta ng botohan at ito ay isang illegal na gawain. Dahil dito, makaraan ang ilang linggong pananahimik, nag-sorry sa publiko si Gloria Arroyo sa ginawang pagtawag sa isang commissioner ng Comelec. Sa kanyang pagharap sa telebisyon at pag-hingi ng "I Am Sorry", marami ang nagsabing hindi nabakas ang sinseridad sa kanyang mukha at pangungusap. Hindi ito tinanggap ng taong-bayan, gayundin si Bb. Roces, na sa isang press conference, inihayag nito ang kanyang damdamin sa mga pangyayari. Dito nakilala ang pamosong linya ni Bb.Roces na "You have stolen the presidency, not once but twice!".

Taong 2008, muling nagbalik sa mundo ng pelikula at telebisyon ang Reyna ng Pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng mga sitcoms na "John En Shirley" ng ABS-CBN, kasama sina Dolphy at Maricel Soriano. Ginawa rin ng ABS-CBN ang "Susan Roces Cinema Collections" tampok ang mga television remake ng kanyang mga pelikula gaya ng "Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara", "Maligno" at "Florinda". Nag-guest din siya sa mga sitcom na "That's My Doc", "Quizon Avenue", at isa rin siya sa mga bida ng ABS-CBN teleserye na "Iisa Pa Lamang" kasama sina Claudine Barretto, Cherrie Pie Picache, Laurice Guillen at Diether Ocampo. Huli siyang napanood sa Christmaserye ng GMA-7 na "Sana Ngayong Pasko" na ipinalabas noong Disyembre 7, 2009 hanggang Enero 8, 2010. Setyembre 2010 nang ihayag na isa sa mga nominado sa "Best Actress category" si Bb. Susan Roces sa Seoul International Drama Awards para sa taong 2010, isang pandaigdigang parangal sa telebisyon na ginaganap sa Seoul, South Korea, samantalang ang naturang teleseryeng pinagtampukan niya na "Sana Ngayong Pasko" ng GMA-7 ay nominado naman sa "Special Jury Prize category" sa naturang award giving body sa South Korea.

Buhay

Ipinanganak si Roces noong 28 Hulyo 1941 sa lungsod ng Bacolod. Ikinasal siya sa namayapang “Action King” na si Fernando Poe, Jr. Nang mamatay ang kabiyak na si Fernando Poe, Jr., naging aktibo si Roces sa mga gawain na may kinalaman sa pulitika at gobyerno.


Mga pelikula

  • 1952 - Mga Bituin ng Kinabukasan - Nepomuceno Pictures
  • 1956 - Miss Tilapya - Sampaguita Pictures
  • 1956 - Boksingera Daw - Sampaguita Pictures
  • 1956 - Kulang sa 7 - Sampaguita Pictures
  • 1957 - Sino ang Maysala - Vera Perez Pictures
  • 1957 - Pasang Krus (Guest Star) - Sampaguita Pictures
  • 1957 - Mga Anak ng Diyos - Vera Perez Pictures
  • 1957 - Torkwata - Sampaguita Pictures
  • 1957 - Pretty Boy (Guest Star) - Vera Perez Pictures
  • 1957 - Mga Ligaw na Bulaklak - Sampaguita Pictures
  • 1957 - Prinsesa Gusgusin - Sampaguita Pictures
  • 1958 - Mga Reyna ng Vicks - Sampaguita Pictures
  • 1958 - Madaling Araw - Sampaguita Pictures
  • 1958 - Tawag ng Tanghalan - Vera Perez Pictures
  • 1958 - Ulilang Anghel - Sampaguita Pictures
  • 1958 - Lover Boy - Sampaguita Pictures
  • 1959 - Pitong Pagsisisi - Sampaguita Pictures
  • 1959 - Debutante - Sampaguita Pictures
  • 1959 - Handsome - Sampaguita Pictures
  • 1959 - Esmeralda - Sampaguita Pictures
  • 1959 - Kahapon Lamang - Vera Perez Pictures
  • 1959 - Wedding Bells - Sampaguita Pictures
  • 1959 - Ipinagbili Ko Ang Aking Anak - VP Pictures
  • 1959 - Mga Anghel sa Lansangan - Sampaguita Pictures
  • 1960 - 7 Amores - Sampaguita Pictures
  • 1960 - Ang Magkakapitbahay - Sampaguita Pictures
  • 1960 - Sa Hardin Ng Diyos - VP Pictures
  • 1960 - Amy, Susie & Tessie - Sampaguita Pictures
  • 1960 - Beatnik - Sampaguita Pictures
  • 1960 - Kuwintas Ng Alaala - Sampaguita Pictures
  • 1961 - Dugo Sa Aking Kamay - VP Pictures
  • 1961 - Dope Addict - Sampaguita Pictures
  • 1961 - 5 Yugto Ng Buhay - Sampaguita Pictures, Inc.
  • 1961 - Eca Babagot - VP Pictures
  • 1961 - Joey, Eddie and Lito - VP Pictures
  • 1961 - Batas Ng Lipunan - Sampaguita Pictures
  • 1961 - Sa Linggo Ang Bola - Sampaguita Pictures
  • 1962 - Lab Na Lab Kita - VP Pictures
  • 1962 - Susanang Daldal - Sampaguita Pictures
  • 1962 - Susan, Susay, Susie - VP Pictures
  • 1962 - Susanang Twist - Sampaguita Pictures
  • 1962 - Tulisan - Sampaguita Pictures
  • 1962 - The Big Broadcast - Sampaguita Pictures
  • 1962 - Sweet Valentines - Sampaguita Pictures
  • 1963 - Sa Puso Ng Isang Ina - VP Pictures
  • 1963 - Amaliang Mali-Mali vs. Susanang Daldal - VP Pictures
  • 1963 - Ako'y Ibigin Mo, Dalagang Matapang - VP Pictures
  • 1963 - Sabina - Sampaguita Pictures
  • 1963 - Dance-O-Rama - Sampaguita Pictures
  • 1963 - Abaruray, Abarinding - VP Pictures
  • 1963 - Eddie Loves Susie - VP Pictures
  • 1964 - Binibiro Lamang Kita - Sampaguita Pictures
  • 1964 - The Dolly Sisters - VP Pictures
  • 1964 - Hamon Sa Kampeon - Sampaguita Pictures
  • 1964 - Leron, Leron Sinta - Sampaguita Pictures
  • 1964 - Jukebox Jamboree - VP Pictures
  • 1964 - Hi-Sosayti - VP Pictures
  • 1964 - Libis Ng Baryo - Sampaguita Pictures
  • 1964 - Mga Kanyon Ng Corregidor - Sampaguita Pictures
  • 1964 - Sa Bilis Walang Kaparis - Sampaguita Pictures
  • 1965 - Ang Maganda Kong Kapitbahay - Sampaguita Pictures
  • 1965 - Mga Reynang Engkantada - VP Pictures
  • 1965 - Romansa Sa World's Fair - GM Film Organization
  • 1965 - Portrait of My Love]- Sampaguita Pictures
  • 1965 - Ang Daigdig Ko'y Ikaw - FPJ Productions
  • 1965 - Buhay Sa Buhay - Emar Pictures
  • 1965 - Dandansoy - Jafere Productions
  • 1965 - Pag-ibig, Ikaw Ang Maysala - United Brothers Productions
  • 1965 - Pilipinas Kong Mahal - FPJ Productions
  • 1965 - Bayan Ko, Lumaban Ka! - Lea Productions
  • 1965 - Ana-Roberta - Ambassador Productions, Inc.
  • 1965 - Viva Ranchera - Alpha Pictures
  • 1965 - Pepe En Pilar - R.R. Productions
  • 1965 - Swanie - Jafere Productions
  • 1965 - Buhay Artista - RVQ Productions
  • 1966 - I'll Dream of You - Sampaguita Pictures
  • 1966 - Sitsiritsit Alibangbang - RVQ Productions
  • 1966 - Zamboanga - FPJ Productions
  • 1966 - So Happy Together - Gretas Productions
  • 1966 - Dedicated To You - Jafere Productions
  • 1966 - Si Siyanang At Ang 7 Tsikiting - D'Lanor Productions
  • 1966 - Itinakwil Man Kita - John-John Films Organization
  • 1966 - Let's Do The Freddie - Larry Santiago Productions
  • 1966 - Mariang Kondesa - GM Film Organization
  • 1966 - Mula Nang Kita'y Ibigin - RAS Productions
  • 1966 - Headlines - Gold Stars Productions, Inc.
  • 1967 - Double Date - VP Pictures
  • 1967 - Anong Ganda Mo - VP Pictures
  • 1967 - To Love Again - Sampaguita Pictures
  • 1967 - Ang Pangarap Ko'y Ikaw - Sampaguita Pictures
  • 1967 - Maruja - Lea Productions
  • 1967 - Langit At Lupa - FPJ Productions
  • 1968 - Kaming Taga-Ilog - RVQ Productions
  • 1968 - Magpakailanman - FPJ Productions
  • 1968 - Bakasin Mo Sa Gunita - Lea Productions
  • 1968 - To Susan with Love - Rosas Productions
  • 1968 - Cover Girls - Jafere Productions
  • 1968 - Kulay Rosas Ang Pag-ibig - Rosas Productions
  • 1968 - Sorrento - FPJ Productions
  • 1969 - Bandana - Lea Productions
  • 1969 - The Ronnie-Susan Wedding/Ang Daigdig Ko'y Ikaw - FPJ Productions
  • 1969 - Perlas ng Silangan - FPJ Productions
  • 1969 - Ikaw Ang Lahat Sa Akin - FPJ Productions
  • 1969 - Tanging Ikaw - Rosas Productions
  • 1970 - Divina Gracia - FPJ Productions
  • 1970 - Adios, Mi Amor - FPJ Productions
  • 1972 - Salaginto't Salagubang - FPJ Productions
  • 1972 - Bilangguang Puso - Rosas Productions
  • 1973 - Florinda - Rosas Productions
  • 1973 - Hanggang Sa Kabila Ng Daigdig - FPJ Productions
  • 1973 - Karnabal - FPJ Productions
  • 1974 - Happy Days Are Here Again - The Big 3 Studios
  • 1974 - Dalawa Ang Nagdalantao Sa Akin - Rosas Productions
  • 1974 - Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara - Rosas Productions
  • 1976 - Sapagka't Kami'y Mga Misis Lamang - Rosas Productions
  • 1976 - Pandemonium: Langit, Lupa At Impiyerno - Emperor Films
  • 1976 - Juan de la Cruz (Unfinished film of Gerry de Leon)- FPJ Productions
  • 1977 - Maligno - Rosas Productions
  • 1978 - Gumising Ka, Maruja - FPJ Productions
  • 1979 - Angelita...Ako Ang Iyong Ina - Larry Santiago Productions
  • 1979 - Mahal, Saan Ka Nanggaling Kagabi? - FPJ Productions
  • 1979 - Mahal, Ginagabi Ka Na Naman - FPJ Productions
  • 1980 - Candy (Guest Star) - Silver Screen Productions
  • 1980 - Tanikala - Cine Filipinas Productions
  • 1982 - Manedyer...Si Kumander - FPJ Productions
  • 1984 - Hoy, Wala Kang Paki! - Vanguard Films/Twin Bee Productions
  • 1986 - Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? - Regal Films
  • 1986 - Payaso]] aka Clown
  • 1986 - Inday, Inday Sa Balitaw - Regal Films
  • 1987 - No Retreat...No Surrender...Si Kumander - FPJ Productions
  • 1987 - Paano Kung Wala Ka Na? - Regal Films
  • 1987 - Bunsong Kerubin - Regal Films
  • 1987 - 1+1=12 Plus 1 - Regal Films
  • 1988 - Love Boat - Regal Films
  • 1988 - Kambal Tuko - Regal Films
  • 1988 - Buy One, Take One - Viva Films
  • 1989 - Ang Lahat Ng Ito Pati Na Ang Langit - Viva Films
  • 1989 - Here Comes The Bride - Regal Films
  • 1989 - Feel Na Feel - Regal Films
  • 1990 - Mundo Man ay Magunaw - Seiko Films
  • 1991 - Ubos Na Ang Luha Ko - Seiko Films
  • 1997 - Isinakdal ko Ang Aking Ina - Viva Films
  • 2003 - Mano Po 2: My Home

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.