Susan Ople

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Susan Ople

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Susan “Toots” V. Ople ay lingkod-bayan, kolumnista, at tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Edukasyon

Si Ople ay nakapagtapos ng elementarya sa St. Theresa’s College sa Quezon City noong 1974; sekundarya sa Sandersky High School sa Michigan, USA noong 1980; AB Communucation sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1984; at Master’s Degree in Public Administration sa Kennedy School of Government, Harvard University noong 1999 kung saan pinarangalan siya ng Josephine Vernon Award for Excellence in Communication.

Bilang Lingkod-bayan

Si Ople ay isinilang noong 9 Pebrero 1962 kina Blas F. Ople at Susana Vasquez. Ang kaniyang ama ay dating kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo [Department of Labor and Employment o DOLE] sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Habang ang kaniyang ama ay nasa posisyon, si Ople ang nagsilbing chief of staff nito. Noong 2004, si Ople ay hinirang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang katuwang na kalihim ng DOLE. Tumakbo rin siya bilang senador noong 2010 at 2016 ngunit natalo.

Itinatag ni Ople ang Blas Ople Policy Center (BOPC), na siya rin ang kasalukuyang tagapangulo, na tumutulong sa mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaugnay rito ang kaniyang mga programang panradyo na “Bantay OFW” na matutunghayan sa DZXL at ang “Global Pinoy” sa DWIZ.

Siya ay kolumnista sa mga pahayagang Business Mirror at The Manila Times.

Sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos bilang Ika-17 Pangulo ng Pilipinas, si Ople ay nahirang na maging kalihim ng bagong likhang ahensiya—ang Kagawaran ng Migranteng Manggagawa [Department of Migrant Workers].

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.