Super Inggo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Super Inggo ay isang seryeng pantasya ng ABS-CBN na nominado sa Internasyunal na Emmy. Umiinog ang kuwento sa isang 10-taong gulang na batang si Budong (Makisig Morales), na nangangarap na maging tunay at ganap na superhero (matinding bayani). Ngunit lingid sa kanya, mayroon siyang matinding lakas at abilidad na kanyang minana sa tatay niyang superhero at masamang ina. Nagsimula ang serye noong Agosto 28, 2006 at natapos ang unang aklat noong Pebrero 9, 2007, na nakaranggo sa bilang 2 sa grado ng Nielsen Ratings sa buong Pilipinas. Naipalabas muli ito noong Nobyembre 3, 2007 at pinamagatang, Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis bilang pasimulang yugto sa mga hinaharap ng mga kaganapan sa Ikalawang Aklat ng serye.[1]

Nagsimula ang Super Inggo: The Director's Cut noong Setyembre 22, 2008[2]

Mga sanggunian

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Super Inggo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.