Sultanato ng Maguindanao

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Sultanato ng Maguindanao ay isang dating Islamikong estadong Bangsamoro na namuno sa ilang bahagi ng pulo ng Mindanao, sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Umabot ang impluwensiya nito mula sa peninsula ng Zamboanga hanggang sa baybayin ng Sarangani. Sa panahon ng pamamayagpag ng kapangyarihan nito, kinilala ang sultanato sa halos buong Mindanao, at namuno sa mas maliliit na mga isla sa paligid ng Mindanao.