Sultanato ng Koronadal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Sultanato ng Koronadal ay dating bahagi ng ekstensiyon ng Sultanato ng Maguindanao sa Mindanao. Madalas umanong pumunta rito ang Sultan ng Buayan, sa pamamagitan ng Saranggani Bay. Ito ang nagpatibay sa paniniwalang ang katimugang bahagi ng Cotabato ay dating bahagi ng Maguindanao.

Dating naninirahan sa Koronadal ang mga B'laan at Maguindanaon. Nagmula sa salitang B'laan na koron o kolon ang pangalang Koronadal, nangangahulugang cogon, at nadal o datal na nangangahulugang kapatagan. Ang Marbel (na ngayon ay Koronadal City) sa South Cotabato ay dating bahagi ng sultanato.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.