Sugarfree

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang bandang Sugarfree ay binubuo ng tatlong miyembro na sina Ebe Dancel bilang bokalista at gitarista, Kaka Quisimbing sa tambol at Jal Taguiba sa baho. Unang sumikat ang bandang ito noong 2003 kasabay ng paglabas ng una nilang album. Ilan sa mga kantang pinasikat ng banda ay Burn Out, Hari ng Sablay at Kung Ayaw mo na sa Akin.

Ang Sugarfree ay nakapag-labas na ng tatlong album, kung saan lahat ng ito ay mula sa kumpanyang EMI Philippines.

Kasaysayan

Ang Sugarfree ay nagsimula nang maisipang bumuo ng banda nina Ebe Dancel, Jal Taguiba at Mitch Singson. Si Ebe ay nagpalipat-lipat sa iba't-ibang banda bago siya nanatili sa Sugarfree sapagkat di tulad ng mga banda niya noon, agad silang nakakagawa ng mga kanta.

Dalawang taon nang kanilang inilabas ang una nilang album na pinamagatang Sa Wakas. Kasama sa album nito ang ilang sa mga pinaka-kilala nilang awitin na Mariposa, Hintay, Burnout at ang unang kantang nilabas nila na Telepono. Matapos ng taong 2003, nagkamit sila ng dalawang malalaking pagkilala mula NU Rock Awards: Pinakamahusay na Baguhang Mang-aawit at album ng taon.

Sumunod na taon, 2004, nang ilabas ng Sugarfree ang ikalawa nilang album na Dramachine kung saan kabilang ang mga kantang Kuwarto, Hari Ng Sablay, Kuwentuhan, Sinta. Inilabas naman noong 2006 ang ibinagong anyo ng album na Dramachine kung saan kasama dito ang Makita kang Muli na siyang awitin din sa palabas sa telebisyon na Panday. Sa album rin na ito kabilang ang mga bidyo ng kanilang mga nauna ng kanta.

Muli noong 2006, naglabas sila ng kanilang ikatlong album na pinangalanang Tala-arawan kung saan pinalitan na ni Kaka Quisimbing si Singson bilang taga-tambol sa banda. Sa album na ito, sumikat ang mga awiting Kung Ayaw mo na sa Akin at Dear Kuya.

Kasalukuyan pa ring tinatamasa ng banda ang kanilang kasikatan dahil na rin sa angking galing nila sa musika. Sa iilang taon nilang tumutugtog, nakakahilera na nila ang mga banda tulad ng The Dawn at Eraserheads pagdating sa impluwensya na kanilang ipinakita sa mg tagapakinig nila.

Diskograpiya

Mga Album at Awitin

  • Sa Wakas (2003)
  1. Burnout
  2. Hintay
  3. Mundong Malungkot
  4. Taguan
  5. Fade Away
  6. Unang Araw
  7. Mariposa (Video)
  8. Telepono
  9. Tummy Ache
  10. Los Banos
  11. Insomya
  12. The Allan Song
  • Dramachine (2004)
  1. Sinta
  2. Prom
  3. Kwentuhan
  4. Martir
  5. Hari ng Sablay
  6. Tulog Na
  7. Limbo
  8. Kandila
  9. Kwarto
  10. Alinlangan
  11. Tao
  12. Dramachine
  13. Reprise
  • Dramachine Repackaged (2006)
  • Lahat ng kanta sa Dramachine ngunit idinagdag ang:
  1. Hari Ng Sablay (Video)
  2. Tulog Na (Video)
  3. Kwarto (Video)
  4. Sinta (Video)
  5. Prom (Video)
  6. Cuida
  7. Burnout (Ulit)
  8. Makita Kang Muli
  • Tala-Arawan (2006)
  1. Dear Kuya
  2. Kailan Ka Ba?
  3. Kung Ayaw Mo Na Sa Akin
  4. Huling Gabi
  5. Salamin
  6. Nangangawit
  7. Pasyal
  8. Wari Ko'y
  9. Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa
  10. Reunion
  11. Wag Ka Nang Umiyak
  12. Ikaw Pala
  13. Batang-Bata Ka Pa (bonus Track)

Iba Pang Album na Kinabilangan

  • Tunog Acoustic 3 (Warner Music Philippines, 2003)
  • UltraelectromagneticJam (Sony BMG Music Philippines, 2005)
  • Pinoy Ako! (Star Records, 2005)
  • Kami nAPO muna (Universal Records, 2006)

Mga Gantimpala

  • NU 107 2003 Rock Awards Pinakamahusay na Bagong Mang-aawit (Best New Artist)
  • NU 107 2003 Rock Awards Pinakamahusay na Album (Best Album) para sa Sa Wakas
  • 2004 Awit Awards Pinakamahusay na Awiting Rock (Best Rock Song) para sa Mariposa
  • 2004 Awit Awards Pinakamagndang Alternatibong Awitin (Best Alternative Recording) para sa Burnout
  • 2005 Awit Awards Pinakamahusay na Video (Best Video) para sa Hari ng Sablay

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.